Wattpad Original
There are 2 more free parts

Kabanata 4

454K 9.1K 1.6K
                                    



"Aray... Ang sakit ng likod ko." Lumiyad-liyad pa si Monroe at nagpapaawang pinaringgan si Abram. Pero ang lalaki, dedma pa rin sa kanyang ganda. May hawak itong libro at nagbabasa ng seryoso sa coffee table na nakaharap sa malaking bintana. It had a view of the woods, opposite of the sea. Napangiwi siya sa title ng libro na hawak nito. A 1980s book about cars.

Nerd.

"Gutom na ako," wika niya habang nag-iinat. She was eyeing Abram's god-like body. Pasimple niya pang kinapa ang gilid ng labi kung may tumulong laway doon. Look at those abs. Wala man lang kahiya-hiya ito na topless at tanging manipis na puting jogger pants lamang ang suot. His feet were bare. Lalaking-lalaki kung tingnan, maskulado, moreno at matangkad, a 100% eye candy. Kinailangan niya pang iwasto ang isip para hindi tunawin sa titig ang lalaki. "I can imagine steak, seafood—"

"Hush." Napalingon sa kanya si Abram na masama ang tingin. Nagkibit-balikat siya. Napakaaga pero ang sungit!

Tumayo siya mula sa sahig na nakataas pa rin ang kamay. Talagang nananakit ang likod niya, she would ask for a menthol plaster at the infirmary.

"Jesus! Monroe!" Nag-iwas ng tingin si Abram. Taka niyang tiningnan ang sarili. Napasinghap siya nang makitang nakababa ang neckline ng suot niyang lingerie at litaw ang kanyang nipples. Mabilis niyang iniangat ang strap ng suot niya.

"Sorry, wardrobe malfunction. It happens." Nagkibit-balikat siya pero naiinis na napailing ang binata.

"Get dressed if you want to have breakfast with me." Matigas na tumayo ang lalaki at may hinila na kung ano mula sa cabinet. A white shirt. Sayang naman. She could stare at him the whole day without clothes on.

"Monroe, get dressed," mariing utos ng binata. Bubulong-bulong siyang nagtungo sa shower para maligo.

Letse. Masakit talaga ang kanyang likod! Kung meron lang siyang pera ay magpapa-spa siya. Wala siyang credit line sa isla dahil saktong pambayad sa membership lang ang meron siya, at any complimentary had been used. Pinamihasa niya ang katawan sa ilalim ng mainit na shower. Only if Abram would fall for her charms again. Dati ay nauto niya pa ito at nagawan ng kalokohan, ngayon ay tiyak niyang hindi na. He's smarter than he already was.

Suot ang isang see-through white maxi dress ay lumabas na siya ng banyo. Lantad ang kanyang tiyan hanggang sa mga binti sa ilalim ng mahabang damit, ipinapasilip ang suot na g-string bikini.

Naghihintay si Abram sa kama nito habang nagbabasa pa rin ng librong kanina pa nito hawak. Napasimangot siya. Mukhang mas malakas ang appeal ng librong iyon kaysa sa kanya.

Magpapatalo ba siya sa papel?

Tiniyak niyang lantad ang kanyang sideboob sa suot. Makinis ang kanyang balat at walang mantsa kaya naman alam niyang maganda siyang tingnan. Tumayo si Abram. Ang pinakakaasam niyang pagtapon ng tingin sa kanya ay nangyari nga.

Pero saglit lang. Tumingin muli ito sa libro at parang ayaw itong hiwalayan.

Bastos talaga ang lalaki.

Kahit papaano ay napangiti siya nang malaya siyang nakakapaglakad sa Temptation Island nang makalabas sila. The beautiful view, the wooden cabins, the golf carts and the waiters serving cocktails had been a sight that she'll never get tired off. She had always loved the beach. Hindi niya pagsisisihan ang paglustay ng huli niyang pera sa membership sa isla, samakatuwid, hindi niya rin iyon sasayangin.

Temptation Island: Cruel IntentionsWhere stories live. Discover now