Wattpad Original
There is 1 more free part

Kabanata 5

508K 10.1K 2.1K
                                    



"Wala kang silbi!" angil ni Monroe kay Rosh sa kabilang linya saka ito binagsakan ng telepono. Nakikitawag siya mula sa security office ng isla para mangutang sa kanyang kaibigan pero patungo na ito sa Jerusalem para sa religious walk nito at papalipad na ang eroplanong sinasakyan. Nagngingitngit siya. Ang daming oras ng kanyang kaibigan na magpakabanal, bakit hindi na lang kaya mag-donate sa isang kapuspalad na gaya niya?

Pathetic lying btch!

Samantalang nung siya ang nakakaluwag, all of her friends were spoiled! Walang hiniling ang mga ito na hindi niya ibinigay. Ayaw niyang mag-drama at baka mag-speed up ang wrinkles niya but God, ang dami talagang taong walang utang na loob!

Umirap siya sa hangin at nagmartsa patungo sa tabing dagat. Her long dress was blown by the wind and the smell of salt water made her even hungrier. Walanghiya, kailan kaya malalamnan ng kahit isang pirasong hipon ang sikmura niya? Huling kain niya ng masarap noong may binola siyang Australyano doon sa restaurant.

Gusto niyang kumain ng seafood! Kahit drinks ay hindi man siya ilibre ng Abram na iyon. Fruitshakes, oh god. Nauuhaw siyang tingnan ang malamig at makukulay na inumin na dinadala ng mga waiters sa sun loungers. The members just needed to sign their order slip but her sign has no power right now. Poor Monroe, no honey, no money.

"Hey, alone?" Napalingon siya sa isang Pilipinong lumapit sa kanya sa tabing-dagat habang nagpapamalas ng kanyang kagandahan.

Finuhh-lyy!

She eyed the man from head to toe. Pupwede na. His skin was bronze and the built was really muscular. Nakasuot ito ng floral blue polo na bukas ang lahat ng butones at puting beach shorts. Hindi niya matanaw ang mata nito dahil sa suot nitong shades. May hawak itong isang boteng beer at may malawak na ngiti sa kanya.

"Do you see me with someone?" Mapang-akit siyang ngumiti. Kahit fruitshake lang mailibre siya ng lalaki, magiging masaya na siya.

"No." The guy flirtatiously smiled.

"How about now? See the difference." Napataas ang kilay ni Monroe sa nagsalita sa kanyang likuran. An arm draped around her and she couldn't believe that Abram was beside her. Ang alam niya ay nakatulog ito pagkatapos nilang mag-no-contact s*x. Agad na nagtaas ng dalawang kamay ang lalaking kakakausap niya pa lang at saka napangising umalis.

Mabilis niyang siniko si Abram at inapakan ang paa.

"Ow! What's that for?" Nakangiwi itong hinahaplos ang sikmurang bakat na bakat sa suot nitong puting sando. Damn this guy, he's so hot! Akala mo ay inosente ang gwapong mukha pero hindi niya maiwasang tumatak sa isip ang naganap sa kanilang pagitan kanina. He became thrice as sexy as he was already.

"You blew my chance to have a fruitshake, Abram! How dare you?"

"You will really go that low for a food, Monroe?"

"Bakit hindi? Food is life," she honestly said. "If someone could feed me steaks and lobsters every day, I will marry that person."

Napailing si Abram. "You really want seafood?" He ran his fingers through his already tousled hair and he looked one hundred times god-like.

Lord, tama na ang isang ito sa sex appeal. Sumusobra na siya.

"I d-do want"—you—"uhm, seafood."

Kinuha ni Abram ang kanyang kamay at hinila siya kung saan. Nagpatianod siya habang sinasalo ang buhok na ginugulo ng hangin. Malapit nang lumubog ang araw kaya naman ang mga naglalaro sa buhangin at sa mismong dagat ay nababawasan na. Some people were planning their dinners at the restaurant, some were staying at their cabins for a pleasurable night.

Temptation Island: Cruel IntentionsWhere stories live. Discover now