Chapter 19: Unhappy

134K 2.1K 80
                                    


Geneva's POV

I felt someone shaking me.

"Hmm?" ungol ko saka binaling ang ulo ko sa kabila. Antok na antok pa 'ko at wala akong ganang bumangon pero hindi pa rin tumigil ang pagyugyog sa akin.

"Wake up!"

Napaangat ako ng mukha at pinilit kong idilat ang mga mata ko mula sa sobrang antok ko.

I saw Ralph glaring at me. "Oh? Inaantok pa 'ko," sabi ko saka yumuko ulit at pumikit.

"I said wake up," may pagbabantang sabi niya.

Napadilat ako ng mga mata.

Nagtataka ko siyang tiningnan. "Ralph, bakit ka nandito sa kwarto nang ganito ka-aga?"

Tumitig siya sa 'kin nang galit ang mukha. "Don't act like you're not aware of what's happening. If I know, ikaw ang may pakana nitong nangyari." Sinamaan niya na naman ako ng tingin. "Tell me the truth, did you plan all this?"

Hindi ko maintindihan kung bakit galit siya saka anong sinasabi niya na pinlano ko?

"Anong sinasabi mo? Wala naman akong pinlano."

Mas lalo siyang nagalit at doon na ako nagtaka bakit ganyan na lang kung makagalit siya eh wala naman akong ginawa. My eyes wandered in the entire space in my room. Then slowly, I realized what he was trying to say. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita at gulat siyang tiningnan.

"P-Paanong..." naguguluhang sabi ko.

"Now you're acting innocent."

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Ralph, wala akong kinalaman dito."

"You dared to kiss me countless times. I won't be shocked if you also planned this."

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ko gagawin 'to. Saka kung plinano ko 'to, bakit pati ako walang maalala? Saka tingnan mo nga, kwarto ko 'to! Ibig sabihin ikaw ang pumasok dito."

Napatingin siya sa akin na nanliliit ang mga mata na parang pinag-aaralan niya kung totoo ba ang mga sinabi ko. Nung ma-realize niya na totoo ang sinasabi ko, may kung anong binubulong siya sa sarili niya na hindi ko marinig. Pero isa lang ang sigurado ako, galit siya.

"Ralph—"

"If it's not you, then who?!"

"Hindi ko alam," paninigurado ko sa kanya.

Mas lalo siyang nagalit. Hindi ko alam bakit galit na galit siya sa nangyari sa 'min. Wala akong maalala sa nangyari pero hindi naman ako nagagalit kasi hindi naman masama ang nangyari sa 'min dahil mag-asawa naman kami, 'di ba? Gano'n ba niya ako ka-ayaw?

I felt my heart break into pieces. He didn't look happy at all.

"This should never happen again. Ever!" Sinamaan niya lang ako ng tingin bago siya umalis.

Napasapo ako ng ulo pagkaalis niya.

Wala talaga akong maalala sa nangyari. Ngunit natigilan din ako nung maalala ko ang huling pag-uusap namin ni Mommy Dee. Hindi kaya...ito ang planong sinasabi niya? Nanlaki ang mga mata ko dahil sa na-realize ko. Nako! Lagot na. Mukhang damay nga ako nito.

I need to talk to Mommy Dee. Pero para saan pa? Nangyari na lahat at galit na galit na si Ralph. Naligo ako at nagbihis bago bumaba. Naabutan kong kausap ni Ralph si Jinggay at mukhang pinagagalitan ito. Napakunot ang noo ko nung makita ko ang kaba sa mukha ni Jinggay at nakayuko pa ito habang nagsasalita si Ralph. Lumapit ako sa kanila.

"Wag mo namang pagalitan si Jinggay. Hindi niya kasalanan yung nangyari."

Nanlilisik ang mga mata niya sa galit nung bumaling sa akin. Ramdam ko ang galit niya at pagkadisgusto sa nangyari sa 'min. Parang kinamumuhian na niya ako ngayon.

"And why not?! She admitted that she put something in the drinks last night!"

"I-Inutusan lang naman po ako ng mommy niyo, Sir. Hindi ko naman po—"

"Oh shut up! You should've refused her. Ako ang boss mo rito at hindi siya! Ako ang nagpapa-sweldo sa 'yo rito at hindi siya! Now, if you can't respect me as your boss, it's better for you to leave here!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Gano'n din si Jinggay at tuluyan pang naiyak. Pumagitna ako sa kanilang dalawa. "Ralph! Wag mo siyang paalisin. Sumunod lang naman siya sa mommy mo. Hindi niya kasalanan ito. Ako. Ako na lang ang sisihin mo at hindi siya."

Mas lalong nagalit siya at hinawakan ako nang madiin sa braso. "You! You messed up my life since you came. I should've known that you were going to ruin me, hindi na sana ikaw ang pinili ko para sa plano ko! You are also free to leave this house! I don't need you here. I am done with the both of you!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi agad ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ang umaapoy niyang mga mata at ang pagtaas-baba ng dibdib niya dahil sa galit. He is a different person pag ganito siya kagalit. Nakatatakot.

Padabog siyang umalis ng bahay.

A tear fell from my eyes.

Bakit? Kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa ibang klaseng galit na nakikita ko sa mga mata niya. Para akong bagay kung basta niya na lang kamuhian at ngayon ay pinagtatabuyan pa. Gano'n na ba talaga ka-grabe ang pandidiri niya sa akin?

Bakit ang sakit sa pakiramdam?

"M-Ma'am, aalis na po ba talaga tayo rito?" May lungkot sa boses niya.

Bumaling ako sa kanya kahit na puno ng luha ang mga mata ko. Gano'n din ang kanya. Namumugto na rin ang mga mata niya.

"Hindi." Umiling ako. "Hindi tayo aalis dito."

"Pero, Ma'am, baka magalit si Sir."

"Eh di magalit siya. Pero hindi tayo aalis. Hayaan mo siyang magalit. Hindi siya pwedeng magpaalis nang gano'n-gano'n na lang. Lalo ka na. Matagal ka na rito. Kaya wag kang aalis."

Tumango siya. "Sige po." Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya. "Salamat po sa pagtatanggol sa akin, Ma'am."

"Wala 'yon." Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit nasasaktan pa rin ako.

"Sige, Ma'am. Babalik lang po ako sa kwarto."

Tumango ako sa kanya. "Pasensya ka na."

Naiwan akong mag-isa sa sala at hindi ko mapigilang mag-isip.

Bakit gano'n na lang ang reaction niya? Talaga bang ni isang porsyento ay hindi niya ako ginusto? Hindi man lang ba talaga niya ako kayang mahalin kahit kaunti lang?

Para akong tanga na umaasa sa isang tao na mahalin ako kahit marami nang signs na malabong mangyari 'yon. Pero ito pa rin ako, mataas pa rin ang ambisyon ko na hindi kami maghihiwalay.

Ang alam ko lang ngayon, hindi ako aalis. Hindi ako susuko nang gano'n na lang. Nandito na ako, eh. Pag umalis ako, baka hindi na ako makabalik pa. At pag nangyari 'yon, hindi ko na rin makikita si Ralph. Mas masakit 'yon. Kaya rito lang ako. Baka humupa rin ang galit niya sa mga susunod na araw. Mawawala rin ang galit niya sa akin.

Pero sinong niloko ko eh parang araw-araw naman yata ay galit 'yon sa akin? Wala pa nga akong sinasabi minsan ay galit na siya.

Miss Kae 💋

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon