Chapter 20: Dual Pain

139K 2.2K 119
                                    


Geneva's POV

"Sorry, hija. I thought it would be the best option. Pasensya ka na sa mga masasakit na sinabi ng anak ko sa 'yo."

Tumango ako kay Mommy Dee. Alam kong kinausap din siya ni Ralph kaya alam niya kung gaano kagalit ito. Pumunta agad si Mommy Dee sa bahay para humingi ng tawad.

"Okay lang po. Hindi ko naman kayo sinisisi."

She took a deep breath. "I thought it was the best thing to do. I thought my son would learn to look at you in a different way if you both consummate your marriage. But it looks like what's happening is the opposite. Mas lalo lang siyang nagalit."

Mommy Dee looked sad that's why I held her hand to comfort her.

"Do you hate me too?" tanong niya nang may pag-aalala.

Umiling ako.

"Pero dahil sa 'kin kaya galit ang anak ko sa 'yo at mas lalong lumayo pa ang loob niya sa 'yo," she worriedly said to me.

"Masakit nga po na malamang galit siya sa 'kin. Lalo na sinabi niya talagang pinagsisisihan niya ang nangyari. Hindi niya matanggap." Napayuko ako habang sinasabi 'yon dahil ayokong makita niya ang sakit at lungkot sa mga mata ko.

She touched my hand and asked, "Nagsisisi ka rin ba, hija?"

I shook my head. "Sa totoo lang, hindi naman po ako nagsisisi sa nangyari. Natutunan ko na po kasing mahalin ang anak niyo."

Natigilan siya sa sinabi ko pero natuwa siya at parang naiiyak. "Thank you." Niyakap niya ako nang mahigpit bago tiningnan sa mga mata. "Thank you for loving my son. Please... Wag ka sanang sumuko na mahalin siya."

Tumango ako. "Susubukan ko po."

"Thank you, hija." She hugged me again and comforted me.

Sinabi rin niya kay Jinggay na kalimutan ang sinabi ni Ralph at wag siyang umalis. Siya raw ang bahala pag nagalit ang anak niya.

Ang daming pinayo ni Mommy Dee sa amin nung araw na 'yon. She knows her son kaya alam niya kung paano magalit si Ralph at kung paano ito i-handle. She stayed for hours bago niya napagpasyahang umalis.

The days went by fast...

Siguro nga galit na galit talaga sa 'kin si Ralph. Grabe siguro ang pagkamuhi n'on sa akin dahil isang linggo siyang hindi umuuwi ng bahay.

Bawat gabi ay umaasa ako na makita siya pero wala talaga. Mahirap palang mag-antay sa wala.

Mabuti na lang at may trabaho ako kundi baka nabaliw na ako kaiisip sa kanya. I kept myself busy for a few days. Pero after ng mga out of the country flight ko, bumalik na rin ako after three days. Umaasa akong makikita ko na siya pag-uwi ko ng bahay.

As if an answered prayer, umuwi nga siya. Dahil nakita ko siyang nakatayo sa labas ng bahay. Maliwanag pa kaya kitang-kita ko na siya 'yon kahit medyo malayo pa ako sa bahay.

I stopped my car from afar nung nakita kong may kausap siyang babae.

Sino kaya 'yong kausap niya?

Nakangiti ang babae sa kanya at kita ko ang sexy na pangangatawan nito at ang ganda niya. Pero napakunot ang noo ko dahil sa hinawakan ng babae si Ralph sa pisngi habang nakangiti sa kanya. Hindi ko makita ang reaction ni Ralph dahil nakatalikod siya sa gawi ko.

Ang mas ikinagulat ko ay yung hinalikan niya si Ralph at pinulupot ang mga kamay nito sa leeg niya. Natigilan ako sa gulat pero mas nanaig ang panlulumo ko nung hindi man lang iniwasan ni Ralph ang halik o kaya itinulak ang babae. He let her kiss him.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon