Chapter 22: Passenger

140K 2.4K 123
                                    


Geneva's POV

"Promise, uuwi na ako mamaya," pangako ko kay Cathy.

Kinukulit niya kasi ako kung kailan daw ako babalik sa bahay. Hindi naman sa tinataboy na niya ako pero kasi mga sampung araw na akong hindi nakauuwi ng bahay ni Ralph. 3 days na rin akong nakititira kay Cathy.

"Mabuti naman. Mabuting magkita na kayo nang makapag-usap. Hindi yung ganito kayong dalawa na nagtataguan."

Sa totoo lang, gusto ko naman talagang umuwi, eh. Kung alam lang niya kung gaano ko ka-miss si Ralph. Nasanay rin akong sa bahay niya umuuwi.

Umiling ako sa kanya. "Hindi naman ako nagtatago. Sadyang ayaw ko muna magpakita sa kanya hanggang sa mawala ang galit niya sa akin. Alam mo naman 'yon. Masakit kasi magsalita. Bawal sa 'kin ang sobrang stress, 'di ba? Kaya umiiwas lang ako."

"Gano'n na rin 'yon para sa 'kin. Anyways, we'll separate ways na. I'll see you soon, Gen. Ibalik mo na lang sa 'kin ang susi ng bahay after you got your things. Okay?"

Tumango ako. "Salamat, Cathy."

"Anytime." She smiled at me and nung makarating na kami sa airport ay magkaiba na kami ng way na tinatahak kasi sa iba siya naka-assign.

3 legs ako today. My first flight was from Manila to Davao. Magkasama kami ni George ngayon. Friendly pa rin siya kasama at laging nagjo-joke. I enjoyed his company.

Tinutulungan niya ako lagi para magaan ang trabaho ko. On our way to Cebu, hindi pa rin siya nauubusan ng sasabihin. He's always there to talk and share funny stuff. Masaya pala siya kasama minus the fact na may gusto lang talaga siya sa akin. Pero nasabi ko naman sa kanya na may asawa na ako. Pero ayaw niya talagang maniwala. Akala niya nagbibiro ako.

Nung mag-o-offer na ako ng pagkain sa mga passenger, I asked a man who was covering his face with a magazine while reading it.

"Excuse me, Sir. What drink would you like?"

He answered still covering his face, "Wine."

Natigilan ako dahil familiar sa akin ang boses na 'yon. Kung hindi ako nagkakamali... napangisi ako.

"What kind, Sir?"

"What do you have?" Napangisi ako lalo dahil confirmed na siya nga ito.

"White wine and red wine."

"White," sagot niya at saka ko naman siya nilagyan sa baso at binigay sa kanya.

Sinadya kong matabig ang magazine niya sa paglagay ko ng wine sa desk. At ayun, nagkatinginan kaming dalawa.

He was surprised at first but sumeryoso rin agad. He cleared his throat. "Thanks."

Mabuti na lang at siya ang huling passenger na bibigyan ko ng pagkain. Sa pinakalikod kasi siya naupo at mag-isa lang siya rito. I didn't expect na nandito siya at lalo na, I didn't expect na rito siya sa likod uupo kung saan malapit sa resting area ko.

"Bakit ka nandito?" takang tanong ko. Kasi sa pagkakaalam ko, hindi 'yan gumagamit ng public plane if within sa bansa lang siya pumupunta. He always uses his private plane. Maliban na lang kung out of the country.

"I had a meeting in Davao."

Mas lalong napakunot ang noo ko. "Eh bakit pupunta ka ngayon ng Cebu? May meeting ka rin ba roon?"

Umiwas siya ng tingin like he's getting uncomfortable with my question. "It's none of your business."

"Okay," sagot ko at akmang aalis na nung pinigilan niya ang braso ko. Tiningnan ko yung hawak niya sa akin bago ako bumaling sa kanya. "Bakit?"

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon