Chapter 23: Changes

149K 2.4K 136
                                    


Geneva's POV

"Magandang gabi, kamahalan," salubong ko kay Ralph pagkapasok niya ng bahay. With matching bow pa ako niyan at malawak na ngiti sa kanya.

"Mabuti at nakinig ka," sabi niya sa 'kin sabay deretso lang ng lakad.

Sinundan ko siya paakyat ng hagdan. "Mabuti at umuwi ka," sabi ko naman.

Sinamaan niya ako ng tingin habang pinagpatuloy ang pag-akyat. Nakasunod lang ako hanggang sa makarating kami sa harap ng kwarto niya.

"Wag mo siyang tanggalin. Kawawa naman yung tao madadamay dahil sa topak mo."

Tumigil kami sa harap ng pinto niya at humarap siya sa akin.

"What's that word? Alam mo hindi ko alam paano ka nakapasok bilang FA. Pang-street person ang mga terms mo."

Napairap ako. "Ikaw nga ang talino pero suplado rin naman. Masakit pa magsalita."

Tinitigan niya lang ako. He's looking at me intently na ikinailang ko. "Wag ka ngang tumingin nang ganyan."

"You know what. Sometimes hindi ko alam kung okay na madaldal ka cause you know how to piss me off and shut me up. You are the only one who can talk to me like that."

Napangiti ako. "Alam mo sa tagal nating magkasama, ngayon lang ako may nagustuhan sa sinabi mo."

His mood changed again. Bipolar talaga. "But I hate how you can ruin the atmosphere."

"Ito naman. Joke lang, ano. Pinagagaan ko lang ang ambiance. Saka sabi ng mama ko, pag may problema, dapat sinasabi talaga. Hindi pwedeng kinikimkim ang galit dahil sasabog 'yon. Kita mo nag-uusap na tayo ngayon nang maayos dahil nasabi na natin lahat ng gusto nating sabihin sa isa't isa nung magbangayan tayo ten days ago."

"Yeah, and you're the only one who can make me do that. You never keep what you have in mind. You speak your mind. It's very rare for women to open their feelings up. Most of the time, they like to keep quiet and keep their problems to themselves then act like they're okay. Until lumaki na ang dinadala and just leave without a word without men knowing what's the problem."

Napaisip ako. Tungkol pa rin ba sa Rachel na 'yon ang hugot niya? Umalis ba siya na hindi alam ni Ralph kung ano ang problema kaya umaasa pa rin siya rito?

"Ang seryoso mo," pag-iiba ko sa topic imbis na sagutin ang sinabi niya. Ayokong pag-usapan 'yon baka maalala niya ang Rachel na 'yon lalo. Mukha kasing tungkol na naman 'yon sa kanya.

"That's why I like it when you're here. You bring joy to this place." Natigilan siya sa sinabi niya at gano'n din ako.

Hindi ko inasahan 'yon, ah. Biglang nag-form ng ngiti ang mga labi ko, "Ikaw ha... Nami-miss mo ko, 'no? Hindi ka sanay na tahimik 'tong bahay pag wala ako? Uy, aminin mo."

Umiwas siya ng tingin kunwari naiinis na naman. Ang sarap talagang asarin ni Ralph.

"You're exaggerating what I said. Sinabi ko lang na tahimik pag wala ka. Nanibago lang ako kasi ang daldal mo lagi. Nakasanayan ko na ang ingay mo."

"Asus. Kunwari ka pa. Bakit hindi mo na lang deretsuhin na miss mo 'ko? Kasi ako, miss na miss kita. Na-miss ko ang seryoso mong mukha na laging nakakunot 'yang noo mo. Na-miss ko ang titigan ang mga mata mo. Na-miss ko rin na kausapin ka at lalo na, na-miss ko ang asarin ka. Pero may isa pa pala akong mas na-miss."

"What?" he asked frowning.

Taas baba ang kilay ko na inaasar siya. "'Yan." Ngumuso ako na tinuro ang labi niya,. "Na-miss ko ang i-kiss ka."

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon