Prologue

61 10 3
                                    

PROLOGUE

RILLE’S POINT OF VIEW

“Ano?! Sapakan na lang?! Ha?!”

“Guys, may naririnig akong sigaw sa kanto. Naririnig mo rin ba?” Bahagya akong siniko ni AC. I just nodded and mentally rolled my eyes.

“Ba’t napakatagal ni Mav?” Iginala ni Nate ang kaniyang tingin sa amin. “Ano? Sundan na ba natin siya?”

“Damn you! My butt hurts you know. Sige. Gusto mo, suntukan pa?!”

Nagkatitigan kaming apat. Hala! Balak na naman yatang makipagrambulan ng isang iyon.

Agad kaming kumaripas ng takbo papunta sa kantong iyon. Napahinto kami ilang metro ang layo mula sa kinaroroonan ni Mav. Nakikipag-sumbatan ito sa lalaking kaharap niya. Lalapitan na sana namin siya para awatin ngunit pinigilan kami ni Cass.

“Hayaan ninyo siya. She can take care of it,” aniya. Nakangisi pa ito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Binalewala niya lang iyon. Napabuntong-hininga na lang ako. Knowing her—uh, never mind.

Makalipas ang ilang sandaling panonood, may dumating na apat pang lalaki. Parang baliw ang mga itong nakangiti.

“Coward! Nagtawag ka pa ng kasama mo! Boo!” pang-aasar ni Mav. Napakuyom naman ang mga kamao ng lalaking nasa harap niya. Mukhang kanina pa ito naiinis kay Mav.

“Ako?! Duwag?! Ikaw nga itong naunang nagtawag ng backup!” sigaw nito pabalik. Tinapik ng isang kasama niya ang kaniyang balikat kaya napalingon ito sa likuran. “Ano?!”

“Napakaingay mo,” walang emosyong sagot ng lalaki. Boo!

“Eh, ano ngayon?!” Ibinalik nito ang tingin sa amin. “Ano?! Sapakan?!”

“Pumapatol sa babae. Nakahihiya.” Nilingon kami ni Mav. “Gusto ninyo?” pabulong nitong tanong.

“Hin―”

“Siyempre, hindi na tinatanong iyan,” pagputol sa akin ni Cass. Iba talaga ang mga war freak.

“Well, if that’s the case,” inayos ni Mav ang kaniyang black cap bago ibinalik ang tingin sa harap, “game!”

Ibang klase talaga itong mga ‘to. Nadaig pa nila ang mga bida sa mga action movies.

Siguro, nagtataka kayo or maybe, ako lang. Nagtataka nga ako kung paano ako nadamay sa grupong ito. Basta, nagising na lang ako isang araw na ganito na.

UNTITLED Friendship (Completed)Where stories live. Discover now