Chapter 14: Missing

12 2 0
                                    

CHAPTER 14: MISSING (ABSENT)

NATE’S POINT OF VIEW

These past days, I saw how they were happy . . . without me. Nagagawa na nilang makipagtawanan. They became lively after that day - noong araw na huli kong nakausap si Cass. That’s better, guys. Keep going on.

To what I did and said to Cass, I didn’t mean it. Ginawa ko lang iyon para tuluyan na nila akong layuan. And fortunately, I did not fail.

‘We’re not friends.’ - masakit din sa kalooban kong sabihin iyan sa kaniya pero wala akong ibang choice, eh. Funny, wasn’t it? Nanghihiram lang siya ng libro tapos, gano’n ang sinabi ko. Wala, eh. I grabbed the chance.

Mas maayos na iyong mga magkakaklase na lang kami. At least, kahit na ganito, nakikita ko pa rin sila from a short distance at nakakasama kahit papaano. Kaysa naman sa ilayo ako ni Mama mula sa kanila.

Hindi sana mangyayari ang mga 'to if I became more careful.

The last time na lumabas ang UNTITLED completely―yes, noong pumunta kami sa mall―my mother found out na umalis ako ng bahay nang hindi nagpapaalam. Ang akala niya noon, nasa loob lang ako ng kuwarto ko at nag-re-review ng lessons pero noong in-open niya na ‘yung pinto para kunin sana ang hinihiram niyang bag ko, hayun na, end na ng kasinungalingan. Nalaman niyang wala ako sa kahit anong parte ng bahay.

Siyempre, kahit naman magpaalam ako, hindi naman niya ako pinapayagan kaya lagi na lang akong tumatakas.

Kasalukuyan kaming pumipili ng earphones ni AC noong biglang tumawag si Mama. When I answered the call, agad niya akong pinauwi. Wala naman na akong ibang nagawa kundi ang magpaalam sa mga kaibigan ko. At saka, she was really furious. Pinaulanan niya nga ako ng mga sermon sa phone call.

Nang makauwi ako, gano’n din ang sinabi niya. Purong sermon. Akala ko, roon na magtatapos pero nagulat ako nang i-badmouth niya na ang mga kaibigan ko.

“Kaya ka siguro tumatakas dahil pinipilit ka ng friends mo. Mga bad influence! At heto pa, nanganganib na ang grades mo! Maybe, it’s because of them, too. They are distractions. Nathalie, naman, uou shouldn’t be with them! Lagot ka sa Papa mo ‘pag nalaman niya ‘to. Napabarkada ka na! Look at you! Look at yourself! Hindi na ikaw ang Nathalie na narito lang sa bahay - nag-aaral lang at masunurin. You are being hard-headed now! Bad influence talaga ang mga kaibigan―”

“They are not, Ma!”

“See? Sumusumbat ka na. Sinisigawan mo na ako! Proof lang na bad influence sila.”

“It’s just me, Ma! Ako lang. They have nothing to do with my mistakes―”

“Yeah. Be more convincing.”

“Ma, hear me out! Please. They’re not bad influence. Hindi rin sila distractions. Kung tumatakas man po ako, it’s my own choice. Hindi po nila ako pinipilit. At saka, hindi naman po ako tatakas kung pinapayagan lang ninyo ako.”

“Sige, Nathalie. Pagtakpan mo pa sila.”

“Hindi ko sila pinagtatakpan. That’s the truth, Ma. In fact, tinutulungan nga po nila ako sa mga hindi ko kayang gawin at mga mahirap na lessons sa school. They are good friends!”

“I have decided. Cut off your connections with them or else, after this school year, your father and I will send you abroad to continue your studies there. You know me very well, Nate. I keep my words.”

That memory is still clear to me. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi pa rin ako makapaniwala na no matter how I explained to my own mother, she would not listen. She even gave me painful choices. Ngayon na nga lang ako nakipagkaibigan, ganito pa ang nangyari.

UNTITLED Friendship (Completed)Where stories live. Discover now