Epilogue

14 3 0
                                    

EPILOGUE

AC’S POINT OF VIEW

Yippee! Bukas, vacation na! Yehey! Woohoo! Yippee! Goodbye, paper works! Goodbye, books! Goodbye, terror teachers! Goodbye, hell classroom! Goodbye, school-related shits! Yippee!

Yes, moving-up ceremony na namin ngayon.

Natapos na ang awarding of certificates and medals kanina. Ngayon naman ay kasalukuyan kaming nakikinig sa ‘Words of Gratitude’ ni Rille. Yes. Yes! YES! Siya ang Rank 1 namin!

“Napakadaya. Wala tayong Good Character awards,” inis na bulong ni Mav.

“Siyempre, nag-cutting tayo noon,” sambit ko naman. Grabe talaga ang ginawa naming iyon. Sobra―uh, ayaw ko nang maalala. Nakahihiya iyon. Sobra.

Itinuon na lang namin ang aming atensiyon sa stage.

“I also want to grab this opportunity to say this to my friends - the ‘UNTITLED’.”

Automatic kaming natigilan nang tumingin siya sa direksiyon namin habang nakangiti. Dahil doon, pinagtinginan na rin kami ng karamihan. We just smiled awkwardly. Uh, kahiya.

“Guys, thanks for everything. Sorry kung hindi ko na maisa-isa. Baka mapa-trouble, eh.” Bahagya siyang natawa.

Natawa na rin kami.

“Thanks for the memories and experiences. It seems like only yesterday when we entered the high school life. It seems like only yesterday when we were in Grade 7. And now, here we are, finally, completers. Guys, nakalulungkot lang isipin na napakabilis ng panahon. Gano’n naman talaga, ‘di ba? Kung masaya ka, hindi mo namamalayang mabilis na tumatakbo ang oras,” she laughed a bit before she continued, “Guys, for sure, magkahihiwalay na tayo ng school na papasukan next school year. Sana, don’t ever and ever forget that we are one – that we are the ‘UNTITLED’.”

Wala sa sariling napangiti kami ulit sa kaniyang sinabi. Yes, Rille. We are still one no matter what happens.

“ . . . congratulations to us, Grade 10!” After her speech, we all clapped. Patakbo siyang bumaba ng stage. Ang akala namin, babalik na siya sa puwesto niya sa first row pero hindi. Tumakbo siya palapit sa amin. She was smiling widely as she ran.

RILLE’S POINT OF VIEW

Nakakunot ang kanilang mga noo habang nakatitig sa akin na tila nagtataka. Wala talaga silang idea kung bakit ako lumapit.

Patuloy pa rin ako sa pagngiti habang ipinapakita sa kanila ang empty journal na customized ko mismo na kanina ko pa itinatago sa bond paper kung saan nakalagay ang aking speech.

“It looks familiar,” sabi ni Cass.

“Wait, iyan ba hayung diary mo noong Grade 7?” tanong ni Mav.

Umiling ako at sumagot, “No, kamukha niya lang.”

“Eh, ba’t mo pinapakita iyan sa amin?” Umangat pa ang mga kilay ni Mav habang nagtatanong.

“I want you to know na I’m going to write our story here. Okay lang ba?”

“Eh? Seryoso ka ba, Rille? Wala namang special do―a―a―aray.” Nakatanggap ng tig-iisang batok si Cass mula kanila Mav na parang nainsulto dahil sa sinabi niya. “Totoo naman, eh. Wala naman talaga.”

“MAYRON,” sabay-sabay namang tugon n’ong tatlo.

“So, okay lang ba?” tanong ko ulit.

“YUP!”

“Good,” sambit ko. “And one more thing . . . ”

“What is it?” Si Nate naman ang nagtanong.

“Hindi ba kayo nagtataka kung bakit palagi ang capital letters ang nasa ‘UNTITLED’?”

They fell silent for a few seconds.

“Medyo.”

“Oo nga. Ba’t pala gano’n?”

“‘Di ba, kaya gano’n ang inilagay mo na title ng GC natin ay dahil wala tayong maisip na matino?” tanong ni AC.

I nodded. “Pero alam ba ninyo kung ba’t pure big letters?”

“NO.”

I gave them the empty book. Naguguluhan man, kinuha pa rin nila iyon. “Open it on the first page,” wika ko.

They did what I said.

     Unity
          Never
               Tells
                    Impossibilities.
                         There’s
                              Life,
                                   Enjoy
                                        Dreams.

We are one always. No matter what, unity never tells impossibilities.

I am very glad to be part of them. And I am so proud to be part of the ‘UNTITLED’.

Hi, I am Rille, and this is our ‘UNTITLED friendship’.

UNTITLED Friendship (Completed)Where stories live. Discover now