Chapter 1

1.5K 30 11
                                    

"The Skills of a True Gamer"
♪\(*^▽^*)/\(*^▽^*)/

Note: Dinagdagan ko Lang po, salamat sa pagintindi. [This is revised.]

Normal kid ba kamo? Sa panahon ngayon, ang bata na talentado sa mga virtual games ay nakakapagipon na ng pera sa totoong buhay. Sa yamang taglay ng game developers, ginagawa ng business ng ibang kompanya ang tapusin ang kanilang laro para sa nakaabang na reward money sa bawat online games. Mababa na ang crime rate globally dahil sa mga naimbentong virtual games kaya naman nagiging tanyag sa buong mundo ang paglalaro, dahil ayon sa karamihan nagagawa nila ang di nila kayang gawin sa totoong mundo.

At kagaya ng mga ibang kabataan , isang normal na araw nanaman sa virtual game ang kasalukuyang inaatupag ng magkapatid na si Tim at Miles.

Dahil lumaki na walang tatay, wala silang magawa kundi tulungan na lang ang kanilang ina sa gastusin gamit ang kanilang talento sa paglalaro ng vrmmorpg.

Nakailang kompanya na rin ang nag offer sa magkapatid pero ni isa wala silang tinanggap dahil ayon sa mas nakakatandang kapatid na si Miles, mas mainam na lang na tapusin ang isang laro at solohin na lang nila ang GCP or game completion reward keysa naman sa mag swesweldo sila ng kaunti pero ang credits at GCP  ay mapupunta sa pangalan ng kompanya. Dahil sa diskarteng iyan ni Miles, nagawang umahon sa buhay ang pamilya nila.

Season War Online o tago sa acronym na SWO, ito ang nagiisang laro na tanging kailangang tapusin nila Miles at Tim para may pambili na sila sa darating na bagong laro na Musical Mania Online, dinig nila mula sa internet ang ganda ng larong ito kaya naman nakapinta sa mukha nila kung gaano sila kaseryoso sa paglalaro.

Binansagang Global event ang laro dahil laman ng Musical Mania Online na ito ang mahigit kumulang na 50,000,000 dollars. Ito ang kalahati ng buong pondo ng pinagsama samang pera ng mga mayayamang game developers ng gaming industry.

Naipagsabing 24,000 copies ang irerelease sa datos na May 15, 3046 sa iba’t ibang bansa.Sa bilang na 1,200 copies, dadating sa Pilipinas ang nasabing laro at sa dami ng population ng bansa, di na talaga magpapahuli ang magkapatid na makakuha ng kopya ng laro.

♪\(*^▽^*)/\(*^▽^*)/
-Season War Online-

5/01/46
3:45 p.m.

Sa larong ito, ang kanilang mundo ay may apat ng continent; Spring, Summer, Fall at Winter. Tumagal na ang laro sa loob ng tatlong taon at dahil sa huling salita ng yumaong game developer, ang larong ito ay nais na niyang matapos. Sa halagang isa at kalahating milyong pera sa kung sino man ang makakapatay ng Final Chapter Boss, magsisimula na nga ang pagkabuhay ng hinandang pinakamalakas at panghulinig halimaw ng laro.

Rigorus
World Boss Challenge
Level : ??
HP: 10,000,000,000,000

RigorusWorld Boss ChallengeLevel : ??HP: 10,000,000,000,000

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Musical Mania Online [Under Revision]Where stories live. Discover now