Chapter 2

592 25 2
                                    

"The Day Has Finally Come"
♪\(*^▽^*)/\(*^▽^*)/

The sound of the alarm clock ringing so early in the morning had spoken to the ears of the early bird.

Alas dos palang ng umaga ay nangangati na ang magkapatid na si Tim at Miles na makapunta sa game shop. Ang araw na ito ay dumating na nga, ang araw ng release ng pinaka inaabangan ng lahat sa Pilipinas. Napag alaman nila na iisa lang ang game shop na malapit sa lungsod nila at ayon sa shop keeper, halos 100 stocks lang ang nakuha niyang consoles ng Musical Mania Online kaya naman maagang nagising ang magkapatid para mauna na sa linya, at kahit maghintay pa sila ng ilang oras basta't makatayo lang sa pinaka harap ng pila.

Nakisabay ng nakimotor si Tim kay Miles at mahigpit na hinahawakan ni Tim ang briefcase niyang may laman na gaming card at naka posas pa ito sa kamay niya para di manakaw o mahulog. Ang gaming card ang siyang bank account ng mga gamers sa panahong ito, kaya naman yung pera na nakuha ni Tim sa SWO ay nasa iisang game card lang, at di mo siya masisisi sa sobrang pag protekta niya sa card.

Nakabukas ang street lights, tahimik ang kalsada, at wala ni isang bahay ang nakabukas ang ilaw. Madilim pa, kaya naman nag dala ng maikling tent silaTim at Miles para mag camp sa harap ng game shop. Nagdala rin sila ng maliit na generator para may pagsaksakan ng heater at coffee machine. Silang dalawa ay mag kaniya kaniyang sleeping bag kaya di problema ang lamig kahit ilang oras pa silang matatagalan sa paghintay.

Isang malaking store ang sa ngayo'y disyerto pa, kaya naman pinaandar nan g mabilis ni Miles ang motor at kaagad na pinark ito sa malapit sa game shop.

Nagsimula ng simet up ni Tim ang Tent at pinaandar na ang generator . Half sleep ang mata, at halatang kulang sa tulog, nagsimula ng magsidatingan ng isa isa ang mga katulad nila Tim at Miles na early birds. Di nagtagal at nakarating na din ang mga kaibigan ni Tim na si Kai at Chris.

"Ahhrg, late ako nagising." diin ni Kai.

"Same here, masyado na ata akong na excite, tuloy napuyatan ako kakaisip nug laro.. Hehe" sambit naman ni Christian.

"Lahat naman tayo eh. " sabi ni Miles.
3:30 na ang oras at humahaba na nga ang linya. Paubos na rin ang supply ng kape nila Tim at kakaunti na lang ang laman ng generator.

Mas lumalamig pa ang hangin kaya naman marami na ang nanginginig sa lamig. Nagsibukasan na ang mga ilaw sa shop at kita sa loob na nag aayos na ang shop keeper. Ang bahay ng shop keeper ay mismong sat abo ng sarili nyang tindahan kaya maaga siyang nag aayos sa loob.

"Ihanda niyo na ang mga siko niya dahil kakailanganin niyo yan " saad ni Miles.

Napatango ang tatlo at sumapit na nga ang 5:00. Oras na ng pagbubukas ng shop.
Bawal pang pumasok ang tao kaya hinahanda palang ni Kuya Tenor ang kaniyang shop. Nangigigil na ang lahat, napapalaway, nangangati ang mga utak at kamay, di mo maintindihan ang damdamin nila pero isa lang ang alam natin, excited na talaga silang lahat na mahawakan ang larong MMO.

Naglalakad na nga Kuya Tenor papalapit sa pinto at napapa sipol pa ito habang hinahanap yung susi ng kaniyang shop.

Di niya nga napansin ang linya dahil naka focus siya sa pinapagugtog niyang music mula sa earphones niya pero pag tingin niya sa kaliwa ay nakita na nga niya ang napakahabang linya. Natatakot na siyang buksan ang shop dahil alam niyang magiging riot toh kaya naman bago niya binuksan ang pinto ay nag suot na siya ng helmet at safety gears.

Musical Mania Online [Under Revision]Where stories live. Discover now