The Electric Meat Slicer Journey

30 2 0
                                    

Kristin

What the freaking fuck, I just killed a guy. Well, hindi ko alam kung makokonsensya ba ako o ano pero wala akong pake kung mamatay yung hinayupak na manyak na yun. On the positive, nabawasan yung mga maniac at matatandang rapist sa mundo. Thanks to me.

"Tangina! Kristin anong gagawin natin? Kailangan ba nating mag-sumbong sa pulis?" tanong sa akin ni Christian na kanina pa hindi mapakali. What a wonderful question.

"Myghad, okay, imagine this situation. Kapag ba ikaw nakakuha ng wallet tapos may lamang 1 million pesos ibabalik mo ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, wait di ko gets yung connection sa sitwasyon natin ngayon" wika niya sa akin at parang napakamot bigla ako ng ulo dahil sa sinabi niya.

"Okay, let me explain. So si sir pinatay natin siya, I mean ako lang pala. I know na masama ang pumatay pero kahit ganoon, masamang tao si sir. Actually, tinulungan ko pa nga yung mundo para mas maging safe ang environment sa mga babaeng tulad ko." wika ko sa kanya.

"Hindi ko talaga, gets yung connection. Pero kung hindi tayo mag-susumbong sa pulis anong gagawin natin?" tanong sa akin Christian. Wala hiya 'tong lalaking 'to, akala ko may planong nakahanda sa utak matapos ng mangyari.

"Well, ano ba? Wala rin akong maisip" sagot ko sa kanya. Feel ko tuloy detectives kami at the same time mga criminal.

"Alam ko na! Ilibing natin siya" wika ni Christian, halatang kinakabahan siya.

"Wow, what a great suggestion. Sige gaaawin natin yan. Tapos kapag may taong nagtanong kung anong ginagawa natin sa sementeryo ng hating-gabi. Ang isagot natin may pinatay tayo tapos kailangan natin ilibing" sagot ko sa kanya. Naiirita na ako sa kanya, akala ko pa naman matalino.

"Bobo naman, siyempre hindi sa sementeryo, ililibing natin siya sa backyard ng bahay niya. Tapos kapag may nag-tanong kung ano ginagawa natin, sabihin mo may movie night tayo sa labas ng bahay" sambit niya sa akin. Napaisip ako ng sandali dahil sa sinabi niya. Pwede na rin yung sinabi niya.

"Oh sige, dalhin natin siya sa bathtub. Ikaw humawak sa paa ako hahawak sa mga kamay niya" utos ko sa kanya.

"Bakit natin siya kailangang dalhin sa bathtub?" tanong niya ulit sa akin.

"Well, siguro masiyadong halata at suspicious kung ilalagay natin nang buo yung katawan niya sa kumot tapos ilibing. So from my perspective, we need to chop his body parts" wika ko sa kanya at ngumiti. Napatulala siya bigla dahil sa sinabi ko. Lalaki ba talaga 'to?

Sumunod siya sa akin at dahil sa medyo mataba si Sir, nahirapan kaming iakyat yung katawan niya. Hinambalos na lang namin yung katawan niya sa bathtub dahil sa pagod. Naghanap kami ng mga puwedeng panghiwa at buti na lang hindi nakatago yung mga kutsilyo.

"Game" wika ni Christian. Sa punto na iyon ay sinimulan na namin ang aming mission.

Sinimulan namin sa kaliwang braso niya. Sa una, nagkakandahiyaan pa kung sino yung unang hihiwa pero dahil makapal mukha ko ako na ang nag-simula. Binuhos ko lahat ng galit ko sa braso niya. Inisip ko lahat ng mga ginawa niya sa akin ngayong gabi.

"Uhm... Kristin. Parang 10 minutes ka na pero di ka umaabot sa buto. I think we need a bigger equipment." wika ni Christian kaya napatigil ako sa pag-hiwa. Bumaba si Christian para kunin yung 'bigger equipment' na sinasabi niya.Tama nga siya, laman lang nakikita ko kanina pa at napakaraming dugo. Nagkalat na sa color white tiles ang dugo ni Sir. He deserved that, ugly asshole.

Bumalik na si Christian at dala-dala ang isang bagay na makatutulong sa sitwasyon namin ngayon. Isang electric meat slicer.

"Yan! Buti na lang hinanap mo" wika ko at agad kinuha ang slicer. Sinaksak ko ito at kakaibang tunog na nag-pangiti sa akin ang dala nito.

Sweet Pastel MurdersWhere stories live. Discover now