Read this, it's not sad

38 0 0
                                    

Kristin

So first of all, alam ko na tatanungin niyo kung ano nararamdaman ko. Actually, no shits included, I feel light like I'm floating in thin air. Siguro dahil iyon sa pagpapatawad sa akin ni Christian. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang tumakbo ako papalayo, pero habang binabagtas ko yung mahabang kalye na yun, iisa lang yung nasa utak ko, kailangan kong lumayo.

But it seems like, kung ano yung tinakbuhan ko ay siya rin yung naging destinasyon ko pabalik. It seems weird, pero it's true. Minsan kailangan nating balikan yung mga bagay na minsan nating iniwanan. Kase naniniwala ako na kahit anong gusto mong lumayo sa isang bagay o tao, may something diyan sa utak mo na nag-sasabi na bumalik ka.

Tignan niyo kami ni Christian, kami yung mga klase ng mga tao na gustong lumayo to the point na gusto rin naming mahanap. Parang tanga lang diba, anong point ng pagpapakalayo-layo kung magpapahanap din pala? But I think, kaya kami parehas na lumayo ay dahil gusto namin mahanap yung mga bagay na nawawala sa amin. Hindi kami yung gustong magpahanap kundi yung mga bagay na matagal naming hindi naramdaman. We're like adventurers, looking for something that will make us both happy. And the question is, is it something or a someone?

"Hoy nakikinig ka ba!Nakatulala ka na naman" isang boses ang aking narinig kaya napabalik ako sa realidad.

So ayun, bumalik tayo sa kung anong nangyari sa nakaraan. There's this crazy bitch who just showed up and ask us to help her kill herself. The name's Jamie, if you forgot.

"Please tulungan niyo ako" pagmamakaawa sa amin ni Jamie na ngayon ay umiiyak na. Tangina, hindi ko nasubaybayan yung sinasabi niya.

"Bakit mo ulit gustong patayin yung sarili mo?" tanong ko sa kanya.

"B-because... There's something inside me." sagot niya sa akin habang nauutal. Ako lang ba pero she seems fake, I don't know but I can feel it.

"Anong meron sa loob mo? Do you have a goblin or what?" tanong ko sa kanya at siniko ako ni Christian. Nagtinginan kami at nakita nag-salubong yung mga kilay niya.

"It's not literal, please understand me. Matagal na kong pinapatay nito" humihikbi niyang tugon sa amin.

"So ano nga yun?" tanong ko sa kanya.

"I have this Multiple Personality Disorder. It's not what you see on T.V or Movies, mine is much more violent. Para siyang may sariling utak at ginagawa niya yung mga bagay na ayaw ko" sambit niya sa amin.

"Kaya pala medyo nag-bago yung aura mo nung nagkita tayo sa counter kanina" sambit ni Christian at tumango lang si Jamie sa kanya.

"Okay, so how come that you're aware na may ganyan kang sakit. Usually kase yung mga taong may ganyan hindi nila alam na double personality sila." tanong ko sa kanya at nakita kong napalunok siya.

"I have these fucking disease since 11 years old, tiniis ko 'to for 6 years and mas lumala pa kase in that same year ay namatay yung mga magulang ko. Nagpatingin ako once at doon ko nakumpirma na meron nga. I didn't continue the medication because I don't have enough money but now that I earned enough money, I started taking medications but it didn't work. So habang tumatagal, para siyang halimaw sa loob ko at habang tumatagal ay mas lumalakas siya. Natatakot ako na baka makapatay na lang ako bigla kaya gusto ko ng patayin yung sarili ko. Help me please" tapos na ang pagpapaliwanag at kitang-kita ko sa mga mata niya ang desperation na matulungan siya.

"So first of all, hindi ka namin tutulungan. It's your own life so hindi kami ang may desisyon kung kailan ka mamamatay o hanggang kailan ka pa mabubuhay. I highly suggest that you visit a psychiatrist, yung marunong talaga, tsaka mo na problemahin yung mga mangyayari sa susunod. Unahin mo yung sarili mo" sambit sa kanya ni Christian at sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya.

Sweet Pastel MurdersWhere stories live. Discover now