Chapter 24: A Sign

143K 2.3K 106
                                    


Geneva's POV

Ilang araw na rin na nagkasundo na kami ulit ni Ralph. Pero minsan lang kami nag-uusap kasi busy rin siya sa trabaho at minsan hindi na kami nagpapang-abot sa gabi dahil kung hindi ako yung late na umuwi, siya naman yung late.

Pero alam kong kahit gano'n ay ayos kami. Nando'un pa rin ang kasupladuhan niya pag nag-aasaran kami sa umaga tuwing sabay kami mag-breakfast. Madali kasing mainis 'yang lolo niyo. Si Vegetta 'yan, eh.

Pero minsan naiisip ko pa rin na bakit bigla siyang bumait sa 'kin? Nakapapanibago. Hindi kaya okay na sila nung Rachel kaya good mood na siya lagi?

Kung 'yon nga ang dahilan, bakit hindi pa rin niya ako pinaaalis dito nang magsama na sila ng Rachel na 'yon? Pero kahit gawin niya 'yon ay hindi ako papayag umalis. Sabi ko nga, pag may hinarap na siyang annulment papers ay saka ro'n na ako susukong ipaglaban siya. Pero hangga't wala 'yon, ipaglalaban ko pa siya. Hindi ako martyr. Gano'n naman talaga pag mahal mo lalo na pag asawa mo pa. Pinaglalaban at hindi sinusukuan hangga't pwede pa. Ang iba kasi ang bilis mag-give up, eh. Kaya nagsisisi sa huli. Ayaw ko nang mangyari sa akin 'yon.

Wala pa namang sinasabi si Leo sa akin na nagkikita nga ang dalawa. Kaya naniniwala ako na hindi pa sila nagkikita ulit.

"Good morning, Jinggay. Nandiyan pa ba si Ralph?"

Nagpupunas siya ng mga gamit sa sala nung dumating ako. Gawain niya kasi 'yan tuwing umaga. Masipag talaga si Jinggay, sa totoo lang. Madalas hindi mo na kailangan pang sabihan, kusa na niyang ginagawa.

"Good morning din, Ma'am. Opo, nasa kwarto niya po."

"Hindi ba siya aalis ngayon?"

"Hindi ko po alam Ma'am, eh. Hindi naman po nakaayos nung mag-breakfast kanina. Pero narinig kong may kausap siya kanina na aalis yata siya mamayang hapon. Bakit po, Ma'am? Gusto niyo po bang tawagin ko si Sir?"

"Wag na. Nagpapahinga siguro 'yon. Pag hinanap lang ako, sabihin mo tulog."

Umaga na kasi at kababalik ko lang mula sa flight ko galing Japan. At aaminin ko na sobrang pagod ako ngayon kumpara dati. Nakapapanibago nga kasi hindi naman ako ganito kadali mapagod noon. Kahit dalawang araw pa akong walang tulog ay hindi naman sumasama ang pakiramdam ko. Tumatanda na nga ako. Kaya kailangan ko talagang magpahinga buong araw. Balak kong matulog buong araw para makabawi.

"Okay po."

Iniwan ko lang ang maleta ko sa dulo ng kama saka hinubad na ang sapatos ko. Tinanggal ko ang coat ko at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na ako balot na balot. Nasa rules kasi na dapat nakasuot ang coat lagi pag nasa labas ng plane. Hinubuhad lang ito pag nagse-serve ng pagkain sa plane.

Dumeretso na ako sa banyo para mag-half bath ng makatulog ako ng presko. Napangiti ako nung tumingin ako sa salamin.

"Ang ganda mo, Geneva."

Napapailing na lang ako dahil sa madalas ko sinasabi 'yan para i-boost ko ang confidence ko sa mga panahon noon na minamaliit ko ang sarili ko kaya nakasanayan ko na. Para ngang naging mantra ko na, eh.

Nakaramdam ako bigla na naiihi ako kaya dumeretso ako sa toilet and when I looked at my underwear I saw blood in it.

Kaya pala madali akong mapagod ngayon dahil sa dinatnan pala ako. I took a quick bath at nabihis ng comfortable na damit pantulog. Agad naman akong nakatulog agad pagkahiga ko. Siguro sa sobrang pagod at sanay na rin ako na minsan maaga ang tulog ko, minsan gabi. Minsan pa nga hapon, eh. 'Yon talaga kasi ang trabaho ko, walang consistent na oras ng pagtulog.

I slept really well na hindi ko napansin na isang oras na lang ay flight ko na naman. Nagising ako, and I saw that it's already 6 pm in the evening. Ang haba pala ng natulog ko. I have a flight at 7 pm!

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon