Chapter 26: Bed Rest

145K 2.1K 73
                                    


Geneva's POV

I opened my eyes and saw a dark room. Nilingon ko ang orasan sa bed side table at nakitang 8 am na. Kaya pala madilim pa rin kasi nakasarado ang curtains.

Mas gusto ko ang maliwanag na kwarto sa umaga at gusto ko ang sinag ng araw. Tatayo na sana ako para igilid ang mga curtain nung biglang may pumasok sa kwarto na ikinagulat ko dahil malakas ang boses nito.

"Good morning, Ma'am! Op op op! Bawal po kayong tumayo. Mahigpit na bilin 'yon ni Sir. Ano po ba ang gusto niyo, Ma'am? Ako na ang gagawa para sa inyo."

"Gusto ko lang sanang itabi ang curtains. Madilim kasi."

"Okay! Ako na po ang bahala, Ma'am!" masiglang sabi niya na nakangiti pa nang sobrang laki.

Pakanta-kanta pa siya at pasayaw-sayaw habang ginagawa ang utos ko sa kanya. Napakunot ang noo ko bakit siya ganyan kasaya. Birthday niya ba?

"Bakit sobrang saya mo yata?"

Lumingon siya sa akin habang ginigilid ang curtains. "Siyempre, Ma'am. Nagbunga lahat ng pinlano ni Ma'am Dee saka sulit ang galit sa 'kin ni Sir kung may baby rin namang mabubuo."

Oo nga pala. Kasama ito sa plano ni Mommy Dee. Wait, alam na kaya ni mommy? Siguro kailangan ko siyang tawagan at ipaalam sa kanya. Akala ko kanina panaginip lang ang lahat pero totoo pala talaga. Buntis talaga ako.

"Alam niyo, Ma'am, sobrang saya ko na magkaka-baby na kayo ni Sir. Excited akong mag-alaga ng baby. Sino kaya ang kamukha?" tanong niya sabay lapit sa akin.

"Bakit sa tingin mo ba papayag ako na ikaw ang mag-aalaga ng baby ko?" biro ko.

Tumawa siya na parang baliw. "Ma'am, sa akin kayo binilin ni Sir. Ibig sabihin, ako ang pinagkakatiwalaan niya sa inyo. Meaning din n'on, ako rin ang pagkakatiwalaan niya ng baby pag lumabas na ito."

Napailing na lang ako. Baka kung anong kalokohan ang ituro niya sa bata saka sapat na ako lang ang kaharap ni baby na baliw. Baka manahin ni baby pag pati si Jinggay ang mag-aalaga sa kanya.

Bigla akong may naalala kaya tinanong ko siya, "Nasaan nga pala si Ralph?" Hindi ko pa kasi siya nakauusap simula sa hospital. Sinabi niya kagabi pagdating namin na matulog na raw ako na agad ko namang ginawa kasi pagod na rin ako.

"Umalis po si Sir Ralph. May dala nga pong isang maleta, eh. Hindi ko alam kung saan siya pupunta basta ang sabi niya lang, bantayan ko kayo at malalagot daw ako pag may nangyari sa inyo dahil sa naging pabaya ako. Mahigpit ko raw po kayong bantayan. Babalik daw po siya after 3 days."

Saan siya pupunta? Bakit siya umalis? Babalik nga siya pero bakit hindi man lang sa 'kin mismo nagsabi? Saka kailan pa ba siya nagsasabi sa 'kin kung saan siya pumupunta?

Trabaho kaya ang dahilan ng pag-alis niya? Sana 'yon nga. Hindi ko pa naman mapigilan mag-isip ng iba lalo na sa situation namin ngayon. Hindi kaya nabigla talaga siya na magkakaanak na kami?

Naaalala ko pa naman ang sinabi niya nung sa resort kami na ayaw niyang magkaanak at lalo nang hindi sa akin.

Totoo pa rin kaya 'yon kahit nandito na si baby? Paano kung hindi niya pa rin kayang tanggapin? Bigla akong nag-alala.

Napailing ako. Hindi ako pwedeng ma-stress. Mamaya tatawag na lang ako kay Leo para tanungin siya. Gusto kong malaman kung saan pumunta si Ralph.

"Tulungan mo na lang akong tumayo. Kailangan kong magbanyo."

Mabilis akong inalalayan ni Jinggay papunta sa banyo. Nakahawak siya sa baywang ko mula sa likod habang nagto-toothbrush ako na akala mo bigla na lang akong matutumba. Sinabi ko na sa kanya na hindi niya na ako kailangang hawakan pero ayaw niya talagang makinig. Naligo na rin ako pagkatapos. Meron pa ngang nakalagay na upuan sa loob ng shower na pinagtaka ko.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon