Chapter 28: Little Runner

153K 2.4K 220
                                    


Geneva's POV

Nagising ang diwa ko dahil may naririnig akong boses na nagsasalita. Pero hindi ko muna dinilat ang mga mata ko at nakinig na lang muna.

"Be strong, little one. Please don't give up and reach the finish line. The doctor said you're almost there but not quite. You need to push a little more. We want to see you in nine months. I am looking forward to holding you in my arms. Please keep moving. Make me proud, my little runner," mahinang sabi niya pero dinig na dinig ko. Alam kong kausap niya ang baby.

Napangiti ako sa isipan ko dahil sa alam kong masaya siya at tanggap na niya. Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya ngayon. Ang sarap gumising na makarinig ng ganitong eksena. Nakatataba ng puso.

Nung wala na akong narinig na nagsasalita ay dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. I saw Ralph's hand in mid air. Mukhang gusto niyang hawakan ang tiyan ko pero nagdadalawang-isip siya. I remained quiet dahil hindi naman niya alam na gising na ako dahil sa tummy ko naka-focus ang attention niya.

Hanggang sa dahan-dahan na niyang binaba ang kamay niya at lumapat iyon sa tiyan ko. I saw how his lips curved a little.

"H-Hi, it's d-daddy. Can you feel me?"

Para siyang timang na ngumiti nang malapad. Hindi pa nga tao 'yan. Hindi pa fetus. Ako nga hindi pa maramdaman si baby. Ang liit pa kasi ng tiyan ko at wala pang umbok. Ang nararamdaman ko lang ay hilo at ang laging antok. 'Yon pa lang.

"Maliit na itlog pa lang po ako, daddy. Hindi pa po ako makasasagot," sabi ko gamit ang boses na pinabata.

Gulat siyang napatingin sa 'kin at nilayo agad ang kamay niya mula sa tiyan ko.

"You're awake," may gulat na sabi niya.

"Ang ingay mo kasi." Kunwari ay sinisisi ko siya.

"Sorry if I woke you up," seryosong paumanhin niya na kinatawa ko. Ang seryoso talaga nito sa lahat ng bagay.

Napailing akong natatawa. "Okay lang. Actually masarap nga ang gising ko. Ikaw kasi ang una kong nakita for the first time. May bonus pa, kausap mo pa si baby."

Nakaramdam siya ng hiya. "Did I look stupid? I just thought I needed to talk to the baby. Maybe motivating him will help the progress."

Natawa ako. Ang cute niya. Alam kong medyo nao-awkward-an pa siya sa mga nangyayari dahil bago sa kanya ang lahat ng 'to at kahit sa 'kin din naman. Pero masaya ako na unti-unti siyang nag-a-adjust.

"Wag kang mag-alala. Mahal tayo ni baby. Tutulungan niya tayo. Gagawa 'yan ng paraan para maging okay siya."

"I really hope so." He sighed deeply. "You want to go to the bathroom? I can help you."

"Wala akong morning kiss?"

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at nilahad ang isang kamay niya. "Come on."

"Iki-kiss mo na 'ko?"

Umiling siya. "You need to wash your face and brush your teeth. I bet you also want to pee. I read from an article pregnant women pee a lot and crave for food all the time."

"So after kong mag-toothbrush saka mo ako iki-kiss?" pagbabaka-sakali ko.

Napakunot ang noo niya. "Puro kiss ang nasa isip mo. You have to be serious. Baka gutom na si baby. You need to eat on time for the baby to consistently grow."

Napa-pout ako. "Maiintindihan naman ni baby kung medyo late lang saka mas sasaya pa 'yon pag sweet ang parents niya."

"Kissing you is the hardest for me."

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon