Chapter 15

2.3K 84 3
                                    

I have no idea kung anong nangyari samin ni Jake. Basta pagka uwi namin sa tinutuluyan namin, magkahawak na kami ng kamay. Ang alam ko lang, I finally agreed to date this mysterious man. After all, nagkaroon ako ng assurance na hindi niya gusto si Natalie, at ako lang.

“Yiee, kayo na?” as usual, tanong ni V. Kasama niya si Jin na nasa labas, umiinom sila.

“One more shot!” sigaw ni Jin kay V, tapos humarap siya samin, “C’mon join us. Let’s celebrate your 1st day together.”  Bigla akong naguilty kay Jin. Kitang kita ko kasi yung lungkot sa mata niya. Ganun ba talaga sila kalakas makaramdam? Alam nila kaagad?

“Tama na yan, Jin. Pumasok na tayo.” Humarap si Jake kay V, “Patigilin mo na siya, baka kung ano pang magawa niya.”

Sa gulat ko, tumayo bigla si Jin at kinuwelyuhan si Jake. Waaah, ayoko ng away please!!

“Ano sa tingin mo magagawa ko, ha Jake?!” ang angas angas ni Jin, parang sanay na sanay siya sa away. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, malayong malayo sa kilala kong Jin.

“Hindi kita papatulan ngayon dahil alam kong lasing ka lang, kaya please. Tigilan mo na ‘to.”

Pero tinawanan lang siya ni Jin, “Malakas ka diba? Kasi nakuha mo na siya? Alam mo kung gano ko siya katagal hinanap!” tapos biglang sinapak ni Jin si Jake. Nagkakagulo na pero si V, nakaupo lang. Parang gusto pa yata ng popcorn!

“Hoy, V ano ba! Awatin mo sila ano ba!”

“Let them be, away bata lang yan.” Tapos umalis si V. Pumasok sa loob. What a heartless friend! Tumakbo ako sa kanila para awatin sila pero bigla silang nawala. Pagtingin ko, nandun na sila sa kabilang side, medyo malayo na yung narating nila. Pano sila nakarating dun eh, nandito lang sila kanina?!

“Tama na ano ba!!” sigaw ko habang tumatakbo. Sa kakamadali ko, hindi ko namalayan na may kahoy na malalaglag sakin galing sa bahay.

Ang huling natandaan ko lang, bago ko mahimatay, si Jake na nasa malayo pa, bigla nalang sumulpot sa harapan ko at inilagan naming yung kahoy..

“Bes, bes, okay ka na ba?” ahh. Ang ulo ko ang sakit.

“Anong nangyari? Bakit nandito kayo lahat?” lahat kasi sila nasa kwarto naming ni Lyrica. Ano nga bang nangyari? Teka!! “Si Jin at Jake? Nasan sila?”

Pumasok si Jake sa pinto. “Iwan niyo muna kami.” Nung pagkalabas nilang lahat, umupo si Jake sa kama tapos hinimas niya yung buhok ko. “How do you feel? May masakit ba sayo?” ang sweet ng boses niya, sana lagi tayong ganito Jake. Pero hindi tayo magiging ganito kung alam kong madami kang tinatago sakin..

“Jake, yung nangyari..”

He stopped me from talking, “Nahimatay ka.”

“I know, pero bago ako mahimatay siguradong sigurado ako na bigla ka na lang sumulpot sa harapan ko.”

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon