Chapter 35

1.8K 65 0
                                    

Hanggang sa makauwi kami, hindi pa din ako maka get over sa ginawa ni Jake. Halos hindi ako makatingin sa kaniya kanina sa sasakyan. Nakatitig lang ako sa singsing na nasa daliri ko. Paano niya nagawa lahat ng yun? Hindi ko man lang napansin. Yung nasa loob ng teddy bear.. UGH ang tanga tanga ko pala talaga!

"Hey.. what's poppin'? Bakit kanina ka pa tahimik diyan?" bigla akong niyakap ni Jake, nasa likod ko siya.

"W-wala.."

"Hindi ka ba masaya? You're my fiance now." medyo nagtatampo yung boses niya kaya hinarap ko siya at niyakap.

"Why are you crying? Hey, baby. Shh, stop crying." hindi ko napigilang hindi maiyak. I can't really imagine he's doing this.

"Sobrang salamat, Jake. Salamat. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya. Salamat sa pagpaparamdam sa akin na mahal mo ako. I love you Jake." i whispered.

Hinalik-halikan niya yung buhok ko. I can smell his scent. It's my favorite scent of all time.

"I will do anything for you. Okay? Alam mo naman na mahal na mahal kita."

"Hmm, eh kelan mo ba balak magpakasal? Gusto ko sana sa Pilipinas tayo ikasal.. gusto kong ipaalam kina mommy lahat ng to."

"Ahh.. Pauline, about that,"  tumingin siya sakin ng diretso, he cupped my face, "I wanted to marry you as soon as possible. Hindi mo ba yun gusto?"

Ano ba to! Naka pout pa siya. Nagpapa cute pa eh alam naman niyang weakness ko yun. Kinurot ko tuloy yung pisngi niya.

"Ouch, it hurts."

"Pa cute ka kasi eh."

"Guwapo lang. Pang aso yung cute eh."

"Hmm, nagpapatawa pa. Eh kelan nga yung kasal? Okay sige papayag na akong huwag muna natin sabihin kina mommy. Pero promise me, papakasalan mo ako sa harap nila. Okay?!"

"Basta pagpaplanuhan natin yan. By the way, we'll get married in two days."

"Ah, two days.. wait.. WHAT?! TWO DAYS?!!!" tinakpan niya yung bibig ko agad.

"Ano ba? Kahit kelan ka talagang babae ka ang ingay mo. Sabi na nga ba, dapat pinagisipan ko muna yung pagpo-propose ko sayo eh."

"AH GANON?!" binigyan ko siya ng pamatay kong glare. Tumakbo siya papasok ng kwarto kaya hinabol ko siya.

"Loko ka ah! Pinagsisisihan mo na?!! Bumalik ka dito!"

"No!! Joke lang yon! I love you!" sigaw siya habang tumatakbo pa din palayo sakin. Hahaha.

***

"Pano yan? Puro tayo lalaki, sinong magiging bridesmaid ni Pauline?" sabi ni Hope habang kumakain kami ng dinner. Pinaguusapan na kasi namin yung kasal na gaganapin na nga sa loob ng dalawang araw. Settled na daw yung church, ako na lang daw ang hinihintay na magplano ng susuotin ko. Grabe! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikakasal na ako in two days! Well, hindi ko na kailangang pagisipin pa ng dalawang beses. I want to do this.

Lahat naman kami napatingin kay V dahil sa tanong ni Hope. Ewan ko, parang automatic na dinala ako kay V ng mata ko. Hahaha.

"Hoy hoy hoy, hindi ko gusto yang mga tingin niyo ah. Tigilan niyo ko!" kinumpas niya yung kamay niya tapos kusang lumapit yung juice sa kaniya. Grabe parang sobrang normal na lang ng mga ganito samin. Siguro kung ibang tao yung makakakita nito, mahihimatay.

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon