34 [AAU❤️]

2K 30 0
                                    

Nagising si Lisa ng maramamdaman niya yung malamig na sahig na kanyang hinihigaan. She groan, of course feeling hangover and sleepy at the same time. At lalo naman siyang nainis ng makita niya ang kanilang orasan. Yes, she's fucking late! At sobra na siyang late para humabol pa. Nakapagpadagdag pa ng inis niya ang di man lang paggising sakanya ni Jennie. Wala ba itong pakialam sakanya? Ni hindi nga siya inatubilihang lagyan ng unan at kumot eh :/ Ano naman sakanya diba?! Nakakainis.

Dahan dahan siyang tumayo habang kumakapit sa malapit na couch. Masyado siyang hilo. Ni hindi niya nga na-check ang kanyang girlfriend. At kahit makipagpustahan pa siya ay tiyak na punong puno na naman ang inbox at missed calls sa cellphone niya. Ganyan siya kakampante na mahal siya ng girlfriend niya.

Sa kabila ng pagkahilo ay successful naman siyang nakatayo at saktong iyon ay nakaramdam siya nag pagsusuka kaya dali dali siyang dumiretso sa cr. Inilabas niya lahat ng maasim na nasa kanyang tiyan. At obviously ay wala na si Jennie sa dorm nila. Nag-hugas siya at nag-hilamos.

Sobrang kalat ng kusina. Nandun yung mga wine na ininom niya at nga naman, naka-5 bote ito. Tsk, mukhang mataas ang tolerance nito sa alak. Tinitigan niya muna ito bago dumiretso sa ref at naghanap ng makakain. Tangna, syempre gutom din siya. Imagine lumagok ka ng 5 bote tas wala kang pagkain, hirap kaya nun.

Wala ring pagkaing luto. 'So hindi kumain si Jennie?' Ani nito sa kanyang isipan. Umiling iling lang siya. Naisip niya na naman kasi na ikakasal sila ay feeling niya nasusuka ulit siya. Hindi naman sa ayaw niya sa dalaga pero walang ibang babaeng gusto niyang pakasalan kundi ang Jisoo niya. Nagluto na lang siya ng ramen para pansamantalang mapawi ang gutom niya.

Pagkatapos niyang kumain ay naglinis na siya ng kanilang dorm. 'Kausapin ko ba si Eomma?' 'Or di kaya pakiusapan ko na lang ang nanay ni Nini?' 'Or di kaya ipasanib ko yung soul ni Appa kay Eomma para makausap ko si Appa' 'arrrggghh' .

Basta isa lang ang sigurado niya, kailanman ay di niya pakakasalan si Jennie.

••••••☘️🌸🌼••••••

all about us | jenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon