94 [AAU❤️]

1.6K 24 17
                                    

T h i r d 's person

"Care to explain?" saad ni Jennie habang pinipigilang wag umiyak.

Kanina.

Kasama ni Lisa si Jisoo.

At magka-holding hands pa.

At alam niyo yung worst?

Sila pa ni Irene yung nag-adjust.

Umuwi si Irene.

Siya?

Ayun, nagkulong sa kwarto nila.

Rinig na rinig nya yung hagikgikan ng dalawa sa sala. Si Lisa at ex niya. Kingina alam niyo yung feeling na ikaw yung girlfriend pero wala kang magawa? Ganun yung nafi-feel niya.

Girlfriend nga, pero di naman mahal.

Wala nga namang makakatalo kay Jisoo. Wala mang sila, mahal naman siya. Eh si Jennie? Girlfriend na sapilitan pa. Girlfriend na di naman mahal :)

"Anong ieexplain ko?"

Sakit.

Sakit na naman yung nararamdaman niya.

Great, ano nga bang ieexplain niya sayo? Jowa ka lang, mahal niya yun. Walang wala kang laban dun.

"Ano nga ba Lisa?" sarcastic niyang sabi at pinipigilan yung sarili niyang wag mautal. Kasi betch, nasaktan ang manang niyo.

"Jennie, labas ka na dun" medyo inis na sagot ni Lisa.

Bat ba kasi pinapaexplain pa ako?

"Labas? Eh Lisa, girlfriend mo ko. May karapatan akong malaman yung nangyayari" Inis na saad ni Jennie. Sobrang laki ng pasasalamat niya na nakapatay na ang ilaw sakanilang kwarto. Ayaw niyang makita siya ni Lisa na kaawa awa.

"Listen Jennie. Pagod ako at pagod ka rin. Itigil na natin tong walang kwentang usapan na toh" saad ni Lisa ar humiga.

"Walang kwenta? Gageu Lisa, nasasaktan ako oh!"

Shemss. Jennie ano bang pinagsasabi mo?

"Ginusto mo yan Jennie. Wala akong magagawa dyan. Ikaw nag-volunteer na maging rebound ko kaya tiisin mo yan" walang emosyon niyang saad.

Imbes na masaya ang araw niya at nakasama niya ang babaeng mahal niya pero nasira na dahil sa walang kwentang usapan na toh.

Mariing ipinikit ni Jennie ang kanyang mata at pilit na pinalabas sa kabilang tenga ang mga sinabi ni Lisa.

Yan na naman po siya, sinisipon yung mata niya.

Masakit pala HAHAHAHA.

"Oo nga. Rebound lang. Kaya nga andito ako para tulungan ka diba? na maka-move on sakanya"

"Never siyang mapapalitan sa puso ko Jennie"

Ouch :) sapul brad.

"Move on na Lisa. Tayo na oh? Can't you see?" May halong inis at galit na saad ni Jennie.

She tried to hide the pain in her voice. Ayaw niyang magmukhang kaawa awa sa harapan ni Lisa.

"Tayo na pero di ako masaya"

Gageu para akong binabaril ng paulit ulit.

"Jennie okay na siguro yung one week. Tapusin na natin toh"

••••••☘️🌸🌼••••••

all about us | jenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon