Chapter 31: Kiss Mark

149K 2.6K 151
                                    


Geneva's POV

Naglagay lang ako ng powder, mascara saka lipstick. Inayos ko ang suot ko na dress. Hindi pa naman malaki ang tiyan ko pero kinakabahan kasi akong mag-pants baka hindi makahinga si baby eh kaya naisipan kong mag-dress na lang.

Nagsuot ako ng flats saka nilagay ang shoulder bag ko sa balikat. Ang aga pa pero kailangan kong pumunta ng office ng Chiu Airlines. Hindi kasi ako pormal na nakapagpaalam sa kanila dahil nga dalawang linggo akong nagpahinga.

"Good morning," nakangiting bati ko sa dalawa. Nasa kainan na si Ralph at nagbabasa ng newspaper habang nagkakape. Si Jinggay naman ay nag-a-arrange sa vase ng bagong deliver na bulaklak.

"Good morning din, Ma'am. Ang ganda natin ah, may lakad po kayo?" tanong nito sa 'kin.

Tumango ako. "Oo. Pupunta ako sa office."

"Why?" narinig kong tanong ni Ralph kaya nilingon ko siya at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggag paa bago kumunot ang noo niya.

"Ah kailangan ko kasing makausap ang supervisor ko saka para makapagpaalam na rin nang maayos sa kanila."

Binaba niya ang dyaryo na hawak niya saka kumain na. "I have a meeting in an hour."

Napakunot ang noo ko. Hindi si Ralph ang tipo na nagsasabi kung hindi tinatanong. Anong gusto niyang iparating ngayon?

"Oh bakit mo sa 'kin sinasabi?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Just so you know, I won't let you drive by yourself. I will drop you there and pick you up after."

"'Di ba may trabaho ka? Saka baka matagalan ka pa. Mabilis lang naman ako ro'n, eh."

Umiling siya. "The meeting will only last for an hour. I can pick you up after."

Nagtataka ako kung bakit ganyan siya ngayon pero mukhang gusto kong ganito siya. Napangiti ako nang may ma-realize ako.

"Concerned ka sa akin, ano? Asawang-asawa na ang peg mo niyan. Ang totoo, sweet ka na niyan? Grabe, Ralph, parang nagiging lalaki ka na talaga, ah."

Gusto kong matawa nung kumunot na naman ang noo niya pero pinigilan ko.

"Such a kid," napapailing na sabi niya na lang kaysa ang patulan ang biro ko. Hindi si Ralph yung tipo na makipagtatalo sa mga walang kwentang bagay. 'Yan ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. He knows how to deal with my childishness kahit minsan napipikon na siya pero kaya niyang mag-control.

Kumain na kami at totoo nga ang sinabi niya dahil hinatid nga niya ako sa office ng Chiu Airlines at hindi na ako nagulat nung alam niya kung saan ito kahit hindi ko sinabi.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko pagkarating namin sa harapan ng building bago ako humarap sa kanya at tinawag siya, "Ralph," sabi ko na ikinalingon niya sa akin at mabilis kong grinab ang opportunity na 'yon para halikan siya sa labi nang mabilis lang. Lumayo rin ako agad at ngumiti sa kanya.

"Goodbye kiss lang." Inunahan ko na bago niya pa akong tanungin. "Hirap mo kasing pakiusapan kaya mas mabuti na ang biglaan at walang paalam. Mas nakakikilig, 'di ba?"

"Tsk. It's not even good."

Napanguso ako. "Eh ano yung good sa 'yo? Yung kiss ng Rachel mo?"

Parang nagalit yata siya sa sinabi ko kaya ngumiti na lang ako nang malawak para magpaalam palabas. "Sige alis na pala ako. Salamat sa paghatid. Bye—" Binuksan ko na ang pinto ng kotse nung mabilis niya akong hinila at nagulat ako nung siya na mismo ang humalik sa mga labi ko.

Mas matagal ito kaya naman tinugon ko agad bago pa magbago isip niya. Nilagay ko ang kamay ko sa likod ng ulo niya para idiin ang mukha niya. Baka kasi bitinin niya naman ako kaya hinarangan ko ang ulo niya para hindi makalayo. Hinawakan ko talaga.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon