Part 4

34.8K 714 5
                                    


"UGH! SAYANG! Muntik na eh. Isang object na lang jackpot na."

Natawa si Brad. Katunayan ay hindi na niya alam kung ilang beses siya napahagalpak ng tawa sa gabing iyon. Mula pa nang matanawan niya sa gitna ng maraming tao si Almira habang hinihintay niyang matapos ang set up ng stage para sa performance ng banda na halos dalawang buwan niyang sinundan para sa feature film na ginagawa niya. Doon ang huling shooting day nila. Post-production stage na siya mula sa susunod na linggo kaya iniisip niya na magrelax pagkatapos ng shoot nila sa gabing iyon.

Iyon ang tumatakbo sa isip niya kanina nang makita si Almira. Malayo pa lang ay halatang out of place ito sa lugar na iyon kahit pa puno ng turista mula sa iba't ibang panig ng mundo ang Fremont Street. Marahil dahil hindi katulad ng lahat na natutuwa sa ilang mga street performer at gogo dancers, ang babae ay panghihilakbot ang ekspresyon. Mapapailing na si Brad kanina at babawiin na sana ang tingin nang makita niyang bumuntong hininga ang babae at biglang natawa na mag-isa. Sa isang iglap ay nabago ang ekspresyon sa mukha nito. Umaliwalas at naging interesante. It was as if a wall of reservation around her disappeared. At dahil napatagal ang pagsunod niya ng tingin sa babae ay nakita niya nang mag panic ito sa pangungulit ng isang street performer.

"Ayoko na nga," sikmat ni Almira sa slot machine.Ang sama ng titig nito doon at kumilos na para bang balak pang sipain iyon sa inis.

"Okay, let's go. You must not hit the machine. Baka mahuli tayo," mabilis na sabi ni Brad. Natatawang hinawakan niya ito sa siko at hinigit palayo roon.

"Madaya iyon! Hindi ko maintindihan kung bakit marami ang nag-uubos ng pera doon. Hindi na ako uulit," inis pa ring maktol ni Almira.

"Dalawa lang ang epekto ng slot machine sa isang tao. Kung hindi ka maiinis at hindi na uulit ay ma-ho-hook ka naman at maglalaro hanggang sa wala ka nang mailabas na pera. It's a good think that you didn't enjoy it."

Umismid si Almira. Naramdaman ni Brad nang pasimple nitong bawiin ang braso at iginala ang tingin sa paligid. Siya naman ay namulsa at pinagmasdan ito. Maraming beses na siyang nakarating sa Las Vegas kaya hindi na siya nabibigla sa mga nakikita niya. Nakakaaliw na makita ang reaksiyon ng babae. Sa mga sumunod na sandali ay nagtuturo si Almira ng kung ano at magtatanong ng "Ano iyon?" Siya naman ay sinasagot lahat ng tanong nito. Minsan ay humihinto sila sa tapat ng street performers upang sandaling manood. Minsan ay tumitingin sa souvenir shops. Hanggang sa may mapansin si Brad.

"Para sa isang turista, wala kang dalang camera at hindi ka kumukuha ng pictures na gaya ng mga tao dito," puna niya.

Napatingin sa kaniya si Almira at nagkibit balikat. "Mas gusto kong i-capture ng mga mata ko at ng memorya ko ang isang lugar. Mas feel ko. Besides, hindi ako mahilig sa picture dahil hindi ako photogenic. Naiinis lang ako kapag nakikita ko."

Umangat ang mga kilay ni Brad. "I don't think so."

Napatingin ito sa kaniya. "Ang alin?"

"Ang tungkol sa hindi ka photogenic. Maniwala ka sa akin na ang facial features mo ay magandang kunan ng larawan. Hindi lang marunog ang mga kumukuha sa picture mo," sagot ni Brad dahil iyon naman talaga ang totoo. Maganda ang hugis ng mukha ni Almira. Kapansin-pansin iyon dahil hindi iyon natatabingan ng buhok nitong banat na banat ang pagkakapusod. Sa likod din ng eyeglasses nito ay napagtanto niya sa malapitan na maganda ang mga mata ng babae. Matangos ang ilong. Hugis puso ang mga labi.

Umismid si Almira. "Huwag ka na mambola. Okay lang naman sa akin kung ano ang hitsura ko. Anyway, saan ba masarap kumain? Nagugutom na ako hindi pa ako kumakain mula pa kanina."

Bachelor's Pad series book 7: MARRIED TO MR. FAMOUS (Brad Madrigal)Where stories live. Discover now