Chapter 32: Last Longer

140K 2.2K 146
                                    


Geneva's POV

Bagot na bagot na talaga ako sa bahay. Wala akong ginagawa at naging habit ko na ang magbuntonghininga hanggang sa may maisip akong gawin. Araw-araw na lang akong nasa bahay. Nauubusan na ako ng gagawin.

Hay! Matawagan nga si Ralph.

Dalawang ring pa lang nung sinagot niya. "Yes?" bungad niya agad. Mukhang alam niya na ako ang tumawag.

"Busy ka ba?"

"Yes." Naririnig ko na tumitipa siya sa keyboard. Mukhang busy nga.

"Hmmm... Ralph. Alam mo na ba?" Pinigilan ko ang labi ko na ngumiti.

"Ang alin?"

Ngumiti ako dahil hindi ko mapigilan. "Na mahal kita." Napapangiti ako na parang ako mismo ang kinilig sa sinabi ko.

Hindi siya agad nakasagot dahil tumahimik sa kabilang linya.

"Ralph, nandiyan ka pa ba?"

Akala ko wala na pero buti nagsalita agad siya, "Are you bored or something?"

Paano niya nalaman?

"Hindi ah! Gusto lang kitang makausap. Kanina ka lang kasi umalis pero na-miss na kita agad." Totoo 'yan hindi 'yon biro, 'no.

"It's not the right time to fool around. In case you don't know, I'm writing a contract deal here. I can't concentrate."

Napanguso ako. "Grabe importante pa ba 'yan kaysa sa akin?"

"I need to hang up. Bye."

Hindi na ako nakaangal dahil binaba na niya agad. Pero hindi ako si Geneva kung susuko ako agad. Kaya tinawagan ko siya ulit. Agad naman niyang sinagot na kinangisi ko.

"What?"

"Ito naman galit agad. May sasabihin po kasi ako. Binaba mo naman agad, eh."

"Tell me quickly."

"Kasi nag-aalala ako. Baka kasi pagod ka na riyan dahil kanina ka pa tumatakbo sa isip ko."

Ilang segundo rin siyang tumahimik bago ako nakarinig ng pag-toot toot ng telepono. Grabe ang sama ng ugali n'on. Binabaan ba naman ako?

Hindi ako sumusuko agad kaya tinawag ko ulit ang isang galit na boses ang sumagot, "What do you want, Geneva?!"

Pag sinasabi niyan ang pangalan ko, ibig sabihin ay galit na siya.

"Eh kasi naman bored na bored na ako rito sa bahay. Wala akong magawa," reklamo ko. "Kung pinayagan mo akong bumalik sa trabaho di sana hindi kita kinukulit ngayon."

Sinabi ko kasi sa kanya na magtatrabaho muna ako ng ilang buwan kahit sa mga office work lang sa company ng Chiu Airlines dahil normal naman ang pagbubuntis ko at hindi namn ako magpapa-assign sa plane, 'no. Para may pinagkakaabalahan ako hanggang sa manganak na 'ko. Pero ayaw naman niya. Anong magagawa ko eh may sinabi siya sa company na 'yon.

"I don't want to argue about that again."

"Ehh sige pupuntahan na lang kita riyan. Hindi kita kukulitin, promise!"

"No, it's too stressful here in the office. Not good for you. Why don't you just watch a movie or go to the mall with Jinggay?"

Umiling ako. "Ayoko. Nakasasawa na. 'Yan din na nga ang ginawa namin buong linggo."

"Then sleep. Tsk."

Napakunot ang noo ko dahil naiinis na siya. "Hoy kung makagalit ka riyan parang wala kang kasalanan, ah. Kasalanan mo rin 'to kung bakit kita kinukulit ngayon," pagtataray ko sa kanya.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon