Chapter 4

319 5 1
                                    

France POV

"We're done with the Skeletal System. Now, we are going to discuss about the Anatomy of a Frog-" Naputol ang sasabihin ni Mrs. Pogongan ng biglang may kumatok sa pintuan ng Science Lab

Inis na binuksan nito ang pintuan saka pinapasok ang mga talipandas na mukhang insectong nang gulo ng Anatomy of a Frog discussion ni Mrs. Pogongan

Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Jiana at Jeanine. Pareho ko kasi silang kaklase sa Minor Subject ko na ito. Anatomy and Physiology

"Make it quick" Malakas na sabi ni Mrs. Pogongan sa apat na studyanteng pumasok may hawak na gitara ang isa, ang isa naman ay Notebook, ang isa naman ay mga roses, ang isa naman ay wala lang feel lang atang sumama at magpapansin

"This Rose and a note is for Francel Ann"

Gulat naman akung napa-angat ng tingin saka tumayo para abutin ang ina-abot ni Flower Boy. Malakas na naghiyawan naman ang mga kaklase namin

"Mga pangit kayo Char lang!" Malakas na sigaw ko sabay wagay-way ng roses sa ere

"Pinadala mo yan sa sarili mo noh!"

"Mapagpanggap na toh!"

"Heh!"

Agad na Binuksan ko ang note. Malakas na kumabog ang dibdib ko sa nabasa ko

"Happy Valentines! Stay Pretty & Cute"

Sincerly,

Your Soon to be Engineer

Napangiwi ako sa word na "Cute" pero okay na din. Isang malakas na hampas ang nakuha ko mula kay Jeanine saka isang ngiti naman ang binigay ni Jiana sa akin

"Sa wakas na ba? May pa suspense pa siya ha. Your soon to be Engineer pa ang gusto" nakangiting sita ni Jiana

"Huwag mo ng pansinin, baka mausog"
Agad na sabi ko saka itinago ang note at buong pusong inamoy ang Rose kahit sa totoo lang wala na akung ma-amoy dito kasi malapit ng malanta dahil na din siguro hapon na at nung umaga pa nabili.

"And this is for Jiana" Abot naman ni Flower Boy ng Platic Antorium Kay Jiana

"Anak ng Tokwa! Antorium?" Tumatawang sabi ko

"Ay iba ka! Para yata kay Mama yan" sabi naman ni Jeanine dito

"Lubayan niyo Antorium ko"

"May haharanahin pa pala kami, This song and Roses is for Jeanine Farah Lim. From Leonardo Castro of Engineering Department"

Sa isang iglap parang bumagsak ang mundo ko sa narinig. Napalis ang ngiti ko saka agad na napatingin kay Jeanine na pareho ko din ang reaction. Feeling ko ang bigat bigat ng puso ko na tila nawasak na parang baso ng tubig. Si Jiana naman eh biglang natigilan din saka napatingin sa akin saka kay Jeanine

Ang kaninang Note na nagpasaya sa akin ay agad na nalukot habang nasa loob ng kamao ko. Unti unti akung napayuko saka agad na kinagat ang labi ko para hindi bumagsak ang mga luhang excited na maglaglagan

"Sinong hinayerpak na taga Engineering Department ang lakas loob na nagpadala sa akin nitong pangit na Rose na ito. At bakit Pinaharana ni Leo si Jeanine" malakas na sigaw ng utak ko

"O-Okay na. Mas importante ang Anatomy ng Palaka kesa sa kanta ninyo" Mahinang pigil ni Jeanine sa mga naghaharana.

I Belong To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now