Chapter 5

301 9 0
                                    

France POV

"Malanding Negrong Mukhang Unggoy approaching" mahinang sabi ni Mia habang nasa Cafeteria kami

"Yang taksil na yan!" Sabi naman ni Jiana

"Gaga, makataksil ka hindi pa naman sila. Feel lang ni France na sila na kaya "malandi" lang muna ang itawag natin. Magkaibigan pa ang gustong tuhugin ha"

"Ay ou nga pala, Naku anjan na siyaaa!" Excited na bulong ni Jiana

Matapos ang Valentines Day at pagkawasak ng puso ko. Hindi na namin napag-usapan pa ito, awkward sa amin ni Jeanine pero hinayaan ko nalang. Kahit na ilang araw na akung umi-iyak at minsan tinatamad na ding pumasok sa subject na kasama ko siya. Madaming beses akong gustong kausapin ni Jeanine pero sinabi ko na sa kanyang wala akung balak pag usapan si Leo. Kaya hindi na niya binabanggit ito.

Lahat din ng iwas ko na mag krus ang landas namin ni Leo ay nagawa ko na, imbes na dadaan ako sa Engineering Department para magpacute at magpapansin umiikot na ako sa buong campus huwag lang madaanan ang Department na yun. At kung sino man ang "Your Future Engineer" na nagpadala sa akin ng rosas. Wala na akung balak alamin at kilalanin.

"Aalis na ako" mabilis na tayo ko saka binuhat ang gamit ko

"O, Kalma lang. Kapag aalis ka hindi mo makikita kung paanu ko siya babalatan ng buhay" Pigil ni Mia sa akin

"Huwag mo lang siyang balatan ng buhay, tapusin mo na din ang buhay niya" blangkong sabi ko saka binuhat ang mga gamit ko

"O France? Ba't aalis ka na? Mamaya ka na umalis magtatawanan muna tayo"

Literal na nanigas ako ng marinig ko ang boses niya, Pusang Gala! Naman tong pusong ito. Kapag naririnig ang boses ng hinayerpak na negrong toh eh parang sumasayaw ang puso ko

"Kalma! Kalma! Labanan mo ang tukso" malakas na sigaw ng utak ko

"Ha-Ha-Ha. Okay na?" Isang pekeng tawa ang pinalabas ko saka balik poker face ang mukha ko

Gulat na napatitig naman ito sa akin

"Nagising ka yata sa kabilang side ng kama? O baka naman meron ka ngayon kaya badtrip ka?" Takang tanong pa din nito

"Okay lang naman ang tulog ko. Nagising nga ako sa gitna ng kama ko. Hindi din ako nireregla ngayon  - maganda ang umaga ko, Pero nasira na ngayon na nakita kita" sikmat ko dito

"Bakit?"

"Ang itim mo kasi ang landi mo pa" walang paylang sagot ko - pero bago pa muling magsalita ito naglakad na ako pa-alis

"Hoy!" Malakas na tawag nito sa akin pero hindi ko na siya nilingon "Anung problema nun?"

"Nakakasira ka naman kasi talaga ng araw" narinig ko na sabi ni Jiana

"Anung masamang Elemento ang nagdala sayo dito? Lumayo ka nga sa amin at na-aalibad-baran kami sa buong pagkatao mo" narinig kung sabi naman ni Mia bago pa ako tuluyang makalayo

I Belong To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now