Chapter 2

59 0 0
                                    

Chapter 2: Confession of a Torpe

"Addie ,Alam ko magugulat ka sa sasabihin ko,  pero whatever happens,  sana walang magbago. Addie I love you...

Haaaaiiiissssttt!!! 
Biglang napahawak si Miggy sa ulo nya.
Para naman akong desperate nun!

Nakakailang rehearse na sya ng confession na sasabihin nya Kay Addie pero hanggang ngayun, Di pa rin nya maperfect.

Tiningnan at kinausap nya ang sarili sa salamin.

"Migggy,  please umayos ka, kailangan magawa natin to, bat ba kasi ang torpe torpe mo!!!

"Okay ka lang ba best? "
Tinig iyon ni Addie na ikinagulat ni Miggy, biglang nanlaki ang mata nya.

"Kanina ka pa Dyan best? "

"Hahaha, nagulat ka ba migz? Kakarating ko lang, pero narinig ko yun!!

"Ano!? 😨

"Uyyyy, ang best friend ko may crush na. Okay lang yan ,walang masama sa pagiging torpe,  kung di mo kaya sabihin iparamdam mo sa kanya. Tapos pag tinanong nya, edi dun mo sya tapatin!

"Ahh,  ehhh,  ihhhh,  o-o Sige Sige

"By the way, ikaw ha naglilihim ka na sakin, sino ang maswerteng babaeng yan? "

"Aaahhh diiiee,  di ba magCCr ka, Sige magCR ka muna. See you later. Bye."

Agad agad lumabas si Miggy sa CR nila.

"Oh, kuya andito ka Lang pala,andami mo ng bisita sa labas, hinahanap ka!  Congrats sa promotion mo kuya! " Bati ng kanyang bunsong kapatid na si Ryle.

"Sige Sige bro, I'll just meet them. Pasabi kay mama magpahinga muna sya sa pagluluto, ipaubaya muna nya Kay Aleng Sally yun. "

"Copy roger that kuya! "
At umalis na ito.

Nagpacelebrate ang mama ni Miggy ng handaan nung malamang napromote sya as Art and Advertising Director sa call center na pinagtatrabahuan nito ang sikat na sikat na FORD COMMUNICATIONS.

At inimbita nito ang lahat halos ng mga kaibigan nila. Sasamantalahin nya sana ang pagkakataon na masabi Kay Addie ang nararamdaman nya, kaso lagi na lang sya natotorpe, nauutal o Di kaya naman ay namemental block.

Eto na ang pang 57th nyang epic fail. Kumuha sya ng baso at nagsalin ng Juice sa baso nya. Nang bigla syang inakbayan ng isang kamay sa likod nya.

It was Addie.

"Guys! Andito na ang bagong promote!! Let's congratulate Miggy Castro!! Woooooohhhhh
At naghiyawan na ang lahat.

"Congratulations Miggy!!!"

"May gift ako for you! Tadaaaaahhh"

"Wow! Sketchpad! "

"Yes, para may bago ka na namang pagdodrowingan ng mga ideas mo. Congratulits ulit best! " sabay niyakap sya nito.

"Best, may sasabihin ako sayo. "

"Huh?! Di kita marinig " at sumenyas ito, Di sya nito masyado marinig dahil sa sound system na pinatugtog ni Ryle. Kahit kelan talaga,  etong si Ryle wrong timing ehhh.

"Saglit lang Addie. "
At hinila nya ito palabas ng bakuran nila.

"Addie, rinig mo na ba ko? "

"Hahahaha, oo, ang ingay kasi sa loob kanina. Ano ba yung sasabihin mo? "

"Addie, ma...

Nang biglang may bumusina sa likod nila.
BEEP BEEP BEEP

That night, naudlot na naman ang confession ni Miggy Kay Addie.

××××

Napalingon si Miggy At Addie sa bumubusinang magandang kotse, ito ay isang black Audi.

"Medrano!! "tawag ng lalaking nagmamaneho nito 

"Boss!? "

"Sino sya Miggy? "

Nataranta bigla si Miggy, sa biglaang pag dating ng boss nyang si Simon Ford.
Mayaman, mayabang, Pero galante at marunong itong kumilatis ng skill at talent.

"Addie, sya yung boss ko. "

"Seryoso?! Ambata pa nya ahh. "

At tuluyan na itong bumaba ng kotse.

"Boss kayo pala! Napabisita po kayo. "

"Inimbita ako ng mama mo, alam mo naman di ko matatanggihan yun. "

××××
Nagulat si Simon ng makita nya si Addie.

"Cassandra? "

"Ah,  boss,  sya po yung kababata ko si Addie. " Paglilinaw ni Miggy.

"Hi! I'm Addie Sebastian po , Mr. Ford!  Welcome po sa SV Village! " nakipagshakehands ito at ngumiti .

Inabot ni Simon ang kamay nito.
"I thought you were someone, anyways,  it was nice to meet you Addie. "

She's from Heaven, I'm from Earth Where stories live. Discover now