Chapter 33: Friends' Night

145K 2.2K 121
                                    


Geneva's POV

Ilang angle ko ang tiningnan ko sa harapan ng full body mirror sabay hawak sa tiyan ko.

"Ang laki mo na, baby." Napangiti ako habang hawak ang tiyan ko. Tatlong buwan na kasi akong buntis at halata na talaga na lumalaki na ang tiyan ko. Bawat isuot kong damit ay kita talaga ang umbok ko. Sabi ng doctor kahapon nung nagpa-check up ako, malaki raw kasi akong magbuntis kaya gano'n.

Mas madalas na rin akong magkaroon ng morning sickness. Sabi ng doctor madalas ay sa katapusan ng first trimester nangyayari 'yon at 'yon nga ang nangyari sa akin.

Busy pa ako sa katitingin ng sarili ko sa salamin nung may kumatok.

"Pasok," sabi ko.

Nakita ko sa salamin na si Ralph ang pumasok. Napangiti ako dahil ang gwapo niya sa suot niya. Kahit ano namang isuot nito ay bagay sa kanya. Pinanganak nga talaga siyang gwapo sa kahit anong gawin niya. Iba talaga ang isang Ralph Tan.

"Are you done?"

Humarap ako sa kanya mula sa salamin. "Okay lang ba 'tong suot ko? Hindi naman ba ako mukhang ewan sa damit ko? Ito lang kasi ang maganda na nakita kong kasya sa 'kin. Yung isa sa mga binili sa 'kin ni Mommy nung nakaraan," tukoy ko sa dress na suot kong black.

"It looks good. Tara na."

Tumango ako saka kinuha ang purse na dadalhin ko at lumabas na kami.

Birthday party kasi ng kaibigan ni Ralph na si John. 30 na ito kaya gustong i-celebrate. Invited silang lahat na magkakaibigan. Ayoko ko nga sanang umattend pero nakahihiya naman tumanggi kasi siya mismo ang nag-abot ng invitation sa amin.

"Madami ba ang bisita? Sino-sino ang pupunta?" tanong ko nung malapit na kami.

"Maybe his relatives, friends and some colleagues."

Napatango ako. Simula nung maging asawa ko si Ralph ay madami na akong okasyon na napupuntahan. Minsan formal pa nga, eh. Pero hindi pa rin ako masanay-sanay.

Dumating na kami sa bahay ni John at sobrang gara ng bahay niya. May valet parking pa na nagbukas ng pinto ng kotse para sa amin. Nagagandahan at nagsososyalan ang mga tao sa suot nilang casual outift. May mga bumabati sa amin ni Ralph. Kilala na rin ako ng iba dahil madalas akong kasama sa mga party na invited si Ralph. Tumigil kami kung saan ang mga kaibigan niya.

"Happy birthday, bro," bati ni Ralph kay John. Humarap sila sa amin at isa-isang nag-manly hug sila kay Ralph. Binati rin nila ako and gave them a slight hug kasama na ro'n kay Sander.

"Happy birthday," bati ko kay John nung bumaling siya sa akin. Nagulat pa ako nung nagbeso siya sa akin. Hindi kasi ako sanay.

"Thanks, Gen, and thanks for coming."

"Wala 'yon. Ikaw pa ba eh kaibigan ka ni Ralph," nakangiting sabi ko.

"Hi, Geneva." Napalingon ako sa kasama nilang babae. "It's me, Amber, Mike's wife. Remember the island wedding?"

Napatango ako. Grabe siya pala 'yon. 'Yon lang kasi ang time na nakita ko siya kaya nakalimutan ko na. Grabe ang ganda at sexy niya lalo. Nasa likod niya lang pala si Mike.

"Congratulations pala. Hindi na kita nakausap after the wedding. Alam mo na... may nangyari," natatawang sabi ko sabay tingin kay Ralph. Nakatingin at nakikinig lang pala sa amin sina Ralph, Mike, John, Bob at Sander.

"It's totally fine. I understand. Anyways, look at you. You look good! Pregnancy suits you." Sabay tingin niya sa tiyan ko.

"Salamat. Lumalaki na nga siya." Sabay haplos ko ng tiyan ko.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon