Chapter 34: Spaghetti

140K 2.2K 65
                                    


Geneva's POV

"Gen! Oh my gosh, look at all these designs. Ang gaganda, 'di ba? Anong kulay ang gusto mo?" Pinakikita sa 'kin ni Cathy ang mga options para sa magiging nursery room ni baby. Pumayag na kasi si Ralph na gawing nursery room ang kwarto na nasa harap ng kwarto ko at kwarto niya.

Kaya nung sinabi ko kay Cathy na gusto kong i-renovate ang kwarto, naging excited siya dahil hilig niya rin ang mag-design. Kaya kami naging magkaibigan, eh.

"Baby blue? Para kahit babae man o lalaki ay bagay. Calming kasi ang kulay."

"Tama ka riyan. Agree ako riyan," nakangiting sang-ayon niya sabay scan pa ng mga interior design na mga magazine. "Lagyan din natin ng stickers ng alphabets ang room."

"Gusto ko 'yan," sabi ko sa kanya nung makita kong bumaba si Ralph sa hagdan.

"Hi, Ralph!" masiglang bati ni Cathy sa kanya.

Ngumiti lang siya nang kaunti at tumango.

"Ralph, baby blue ang kulay ng room with white and ash gray. Okay lang ba yun sa 'yo?" tanong ko.

He shrugged his shoulders. "Anything you want is fine with me."

Napangiti ako. Tinupad niya talaga ang sinabi niya na bahala ako kung anong gusto kong gawin sa kwarto ni baby.

"Thanks!" Lumapit ako sa kanya at hinalikan nang mabilis ang labi niya. "Gwapo mo talaga."

Nasanay na siguro siya na madalas ko siyang ninanakawan ng halik sa labi kaya hindi na siya nagrereklamo. Hindi gaya ng dati na nagsusungit agad pag ginagawa ko 'yon.

"I am going out to buy something. I'll be back and bring you food," paalam niya saka nagpaalam din kay Cathy.

Paglabas na paglabas ni Ralph ng bahay ay saka naman tumili si Cathy. "Grabe, Gen. Ilang beses ko nang nakita si Ralph pero ang gwapo pa rin talaga. Nakai-intimidate pa ang kagwapuhan. Umaapaw, eh!"

Napakunot ang noo ko sa OA na reaction niya. "Magtigil ka. Akin siya."

"Ito naman ina-admire lang ang asawa mo. Hindi ko siya aagawin, ;no. May boyfriend kaya ako." Simangot niya.

"Bilisan na natin 'to at nagugutom na ako."

Pumili na kami ng designs at nagpa-schedule na rin si Cathy ng meeting sa gagawa ng room. Hindi na kami kumuha ng interior designer dahil kami na mismo ni Cathy ang gagawa n'on.

Kumain lang kami saka na siya nagpaalam na uuwi para daw makapagpahinga pa siya nang matagal dahil may trabaho pa siya bukas. Hapon pa lang naman pero gusto niya nang umuwi. Siguro magkikita pa sila ng boyfriend niya.

Pag-uwi ni Ralph ay may naamoy akong dala niya kaya sinundan ko siya sa kusina.

"Wow! Pahingi!" Parang nanlalaway ako bigla nung makita kong bumili siya ng palabok at saka chicken salad.

Akmang kukuha na ako nung tinampal niya ng mahina ang kamay ko. "I'll give you some, okay? Don't touch the food without even washing your hands yet."

Sus, hindi naman madumi kamay ko, ah?

"Okay po, doc," sabi ko saka tumalikod na papunta sa sink at naghugas ng kamay ko. Bumalik agad ako sa counter kung saan nalagyan niya na ako sa plato.

Takam na takam ako pero nung sumubo na ako ay napaismid ako.

"What's wrong? Don't you like it?"

"Walang lasa," reklamo ko. Agad naman niyang tinikman at in fairness ginamit niya ang kutsara na sinubo ko.

"May lasa naman, ah?"

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon