Epilogue.

18 1 0
                                    

Lilian POV.




Kalat na sa buong campus na kami na talaga ni Ivan, yung iba naiingit sa akin pero yung iba naman masaya kasi kami daw talaga yung bagay.

At ang nakaka tuwa pa halos di na umalis sa tabi ko si Ivan kesyo ayaw nya daw lumalayo ako sa kanya, kaya ito kami ngayon laging sabay.

Sabay sa pag pasok sa pag kain at sa pag aaral. Mag kaklase din kami at support sa amin ang lahat. Pera lang kay kuya  Jack na bakit daw si Ivan eh pwede pero sya daw itong matagal ko ng kilala ay hindi.

"Ang saya ko." Bulong nya sa tenga ko.

"Ako din."

"Gusto ko last na toh, ikaw kasi nag paramdam sa akin na di dapat sinasayang ang effort kasi worth it yun." Aniya saka kami pumuntang bahay, uwian na kasi at di pumayag si Ivan na di kami sabay, kesyo mag kapitbahay na nga kami eh di pa kami mag sasabay.

"I love you." Ani ko na ikinatigil lang nya, nilingon ko sya nakita ko ang pamumula ng mukha nya.

"Hey!" Tawag ko dito na ikinamulat mulat nya

"Huh?" Tumingin lang sya sa akin at di pa rin na tatanggal ang pamumula ng mukha nya

"Hindi mo naman atah ako mahal eh." Pag tatampo ko, imbis kasi na i love you too ang sagot nya ay huh pa ang nakuha ko mula sa kany.

"M-mahal kita, di lang talaga ako sanay na may nag I I love you sa akin." Paliwanag nya na unti unting ikinangingisi ko pinipigilan ko lang kasi ayaw ko lumaki ulo nya dahil sa kinikilig ako.

"Pwes, masanay ka na, kasi aaraw arawin ko yun sayo." Lakas loob akong nag taray taray sa harap nya di lang mag mukhang kinikilig ako

"T-talaga?" Nauutal na tanong nya

"Oo naman." Doon ko lang nailabas ang kanina ko pang tinatagong kilig, dinaan ko lang sa ngisi

"I love you too." Namula ako sa sagot nya kaya napa yuko lang ako narinig ko pa ang munting hagikgik nya.

"Tara uwi na tayo." Nabigla ako ng akbayan nya ako palapit ng mas maigi sa kanya, nag mukhang tood ako sa tabi nya.

"S-sige." Sagot ko, ako naman ngayon ang nauutal dahil sa ginawa nya sa akin.

Papunta na kaming parking lot dahil ang lagi namin ginagamit na sasakyan ay ang motor ko, sanay na rin si Ivan sa minsang mabilis kong pag papatakbo.

"TEKA!!" Napalingon kami sa sumigaw at nakita namin ang mga kaibigan naming tumatakbo palapit sa amin.

"Bakit?" Sabay na tanong namin ni Ivan.

"Sama ba kayo sa amin?" Tanong ni Caren na hingal hingal na nag sasalita.

"Saan naman?" Tanong ni Ivan.

"Sa? Sa? Sa? Sa kahit saan." Ani Lonny

"Mahirap yun Lonny." Sagot ko at tangkang ilalagay na ang susi sa motor ko ng pigilan ulit ako ni Caren.

"Teka lang, nag mamadali ka eh." Aniya saka inagaw ang susi sa akin.

"Ano bang meron?" Tanong ko saka humarap ulit sa kanila

"Ganto kasi--" naputol ang sasabihin ni Caren ng tumunog naman ang cellphone ni Ivan

"Teka lang." Pinakita nya lang sa akin ang phone caller bago umalis.

"Ituloy muna." Ani ko

"Ganto kasi, may konteng handaan sa bahay nila Mariel--" naputol ulit ang sasabihin ni Caren

"Bakit samin?" Sabay na tanong ng kambal.

"Osya samin." Inirapan ni Caren si Mariel.

"Ano ba talaga?" Naguguluhan na ako eh.

"Kela Mariel talaga." Sabat ni Lonny aapila pa sana ang dalawa ng mapansin kong may ginawa si Lonny sa tabi ni Mariel.

"Oo sa amin nga." Ani Mariel.

"Di ako makaka sama, may pinapasundo sa akin si ate sa airport, ikaw na lang babe ang sumama." Ani Ivan saka tumakbo palabas ng campus.

"Di sya sasama kaya di na rin ako sasama." Sagot ko saka inagaw kay Caren ang susi.

"Hindi pwede." Ani Caren saka may inilagay sa ilong ko na ikina unti unting ikinahilo ko.

"Shit!" Sigaw ng kun sino.






Ivan POV






Kailangan ko pang kuntiyabahin ang mga kaibigan ni Lilian para magawa lang itong matagal ko ng plano ba halos ngayon ko lang nabuo.

"Caren? Ok na ba?" Tanong ko, nasa loob pa rin ako ng taxi hinihintay na lumabas sila ate galing bahay.

"Oo, at mukhang mag kakamalay na." Sagot nya.

"Ano bang ginawa nyo sa kanya?" Tanong ko, wala kasi akong idea kong anong ginawa nila para nakunbinsi si Lilian para sumama sa kong anong sinabi nila.

Pinaubaya ko na kasi sa kanila ang planong mapapayag na sumama sa kanila si Lilian dahil busy din ako sa pag aarrange nitong resto na inarkila ko

"Pinatulog namin." Simpleng sagot nito.

"Ok, ok." Pinatay ko na ang tawag ng makitang papalabas na sila ate.

"Ang bagal nyo naman." Ani ko, pero inirapan lang ako nito. Sinabi ko naman sa driver kong saan kami ngayon.






Lilian POV.






Nagising ako sa isang liblib na lugar di ko alam kong na saan di ko alam kong saan ako dinala ng mga kaibigan ko at di ko na sila makita ngayon.

"CAREN!! LONNY!! MARIEL!! LIRRA!!" Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa maka kita ako ng liwanag.

"Tulong!" Sigaw ko, sisigaw ulit sana ako ng may tumunog na kanta sa malayo kasabay noon ay ang pag bukas ng ilaw sa may pinto hanggang sa maging dalawa na at tatlo hanggang sa maging apat at lima hanggang sa maka lapit sa akin ang ilaw.

Sa akin na na katutuk ang ilaw at hanggang sa dumami ang ilaw sa paligid

May kumakanta, kaboses nya, anong pakulo toh? Hanggang sa makita ko na ang dami ng tao sa paligid nakita ko si lola si papa si mama yung mga kaibigan ko yung ate ni ivan yung bunso nyang kapatid at yung iilang kaklase ko sa school lahat sila naandito.

Hinanap ng paningin ko si ivan ngunit di ko makita hanggang sa umagaw sa paningin ko ang unti unting pag ilaw ng nasa tabi kong ilaw hanggang sa maging dalawa tatlo at apat na ang buhay na ilaw hanggang sa tumapat ito sa lalaking hinahanap ko.

Unti unti itong lumapit sa akin na may bitbit na bulaklak ng maka lapit na sya sa akin ng buong ngiti at buong puso, ay tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

"Sorry kong tinakot kita." Ani Ivan, saka inabot sa akin ang bulaklak at niyakap ng mahigpit.

"Siraulo ka talaga." Ani ko saka napa singhot singhot pero tinawanan nya lang ako.

Bumitaw sya sa pag kakayakap at saka lumayo ng ilang pulgada, tumingin tingin sa paligid kaya tumingin din ako.

"Papa!" Sigaw nya, napa tingin ako sa tinawag nya naka tingin sya kay papa na tango lang ang sagot.

"Nag papalam po ako na sana payagan nyo akong maging akin ang anak nyo ni mama. Wag po kayong mag alala aalagaan at mamahalin ko po sya ng sobra sobra." Ani nito saka tumingin sa akin, tumango lang si papa at nagulat na lang ako ng biglang lumuhod sa harap ko si Ivan at may nilabas na maliit na box.

"Will you be my wife, until forever and I die?" Tanong nya na tango lang ang sagot ko.








The end.

Crush kung Playboy (Completed)Where stories live. Discover now