Chapter 35: Chance

144K 2.2K 62
                                    


Geneva's POV

Nagyayang mag-golf ang mga kabarkada ni Ralph kaya naman pumunta kami. Ako lang yata ang babaeng kasama nila dahil busy si Amber; nasa ibang bansa raw ito at may photoshoot. Ang iba naman ay wala namang girlfriends, eh.

"Ayoko na. Hindi man lang ako nakatama. Nakapapagod pala ang laro na 'to. Mukhang simple pero mahirap pag ikaw na maglalaro."

Natawa naman sila sa reklamo ko.

"Every game needs determination to learn and of course, focus," sabi sa 'kin ni Mike.

Napairap na lang ako dahil wala talaga akong patience sa mga laro-laro na 'yan. Lagi na lang akong kulelat kahit nung bata pa ako.

"Basta ayoko na. Kayo na lang." Umupo ako at uminom ng shake na inorder ko. Inabutan ako ni Ralph ng towel na ikinagulat ko pero tinanggap ko naman para punasan ang pawis ko. Pinawisan kasi talaga ako.

"Just watch us play then."

Tumango ako kay Bob. Nagpakitang gilas silang lahat nung nagsimula ang laro nila. Nung si Ralph na ang maglalaro ay napapalakpak ako nang malakas at sumigaw ng, "Go, Ralph!"

Nilingon naman niya ako at ngumiti sa akin.

"Kaya mo 'yan!" pag-cheer ko.

Nung na-hit na niya ang bola ay napatayo ako at napapalakpak dahil sa ang layo ng natira niya. "Galing!!!" Nung another round naman nila ay magaganda pa rin ang tira ni Ralph kaya naman sa huli ay siya ang nanalo sa kanila.

Nilapitan ko siya saka niyakap.

"Naks inspired ang barkada natin, ah. May cheerer kasi," natatawang sabi ni John.

"You should've had one too if you took dating seriously," sagot ni Ralph sa kanya.

"Change topic na nga. Hayaan mo nga ako sa love life ko. I am still enjoying this bachelor image where women cling to me everywhere I go," pagyayabang nito.

Napailing na lang ang mga kasama namin sa kanya saka siniko siya ni Mike sa tiyan pero katuwaan lang naman.

Nung makaupo na kaming lahat at nagpahinga, umorder sila ng drinks nila. Inuhaw siguro sa kalalaro; mainit pa naman.

Nilagyan ko naman si Ralph ng tubig sa baso niya saka inabot sa kanya. "Uminom ka muna baka napagod ka." Tumingin siya sa akin habang ako ay nakangiti sa kanya. Ilang segundo pa bago kinuha ang baso sa akin.

"Thanks," sabi niya na napansin ko ang saglit niyang pagngiti.

"So, Ralph, kaya ba hindi na kita matiyempuhan sa office mo kasi work from home husband ka na ngayon?" tanong ni Sander na ikinagulat naman nila.

"Hindi ka na pumapasok, bro?" gulat na tanong ni Bob.

"Minsan na lang daw sabi ni Leo nung minsang napadalaw ako," Sander answered.

Natawa si Bob. "Really, Ralph? Ikaw na mahal na mahal ang kompanya mo? Noon nga hindi ka namin maimbita dahil busy ka at ayaw iwanan ang negosyo mo. What happened now? Iba na ba ang mahal mo?" Sabay ngisi niya.

Napatikhim ako. "Ikaw ang obvious ng tanong mo. Wag ganyan kasi kinikilig ako," biro ko na medyo may katotohanan.

Natawa naman sila.

"Fatherhood 'yan, mga bro. Ralph is maturing as he welcomes fatherhood. Sinisimulan nang alagaan si Gen at ang magiging anak nila."

"Ang sabihin mo, takot mawala si Gen sa paningin niya. In love na ang barkada natin!" dagdag pa ni John.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon