Chapter 36: Jealous

145K 2.3K 146
                                    




Geneva's POV

Binuksan ko ang maliit na maleta kong dala na may mga lamang gamit ko na kasya sa isang linggo namin dito ni Ralph sa isla.

Tinotoo niya talaga ang sinabi niyang magpaplano kami ng pupuntahan para magamit namin ulit ang plane kasi nga sabi ko gagamitin ko lang pag kasama ko siya. Ayun, nandito na kami sa isla na nirentahan niya for a week. Kami lang ang tao rito kasi nakatayo ang bahay bakasyunan sa kabilang parte ng isla kung saan wala masyadong tao. Para daw ito sa mga gustong magbakasyon na walang ibang tao at ingay. Pinagawa ito ng isang mayamang tao para sa mga kapwa niyang naghahanap ng matutuluyan na walang istorbo at malayo sa public. Private kumbaga at ang mga kasosyo lang na kagaya ni Ralph ang mga nakaaalam ng lugar na 'to.

Nasa kabila naman ng isla ay ang sikat na pasyalan kung saan may maraming tao at mga resort. Malapit lang daw 'yon sabi ni Ralph at pwede kaming sumakay ng boat papunta roon.

"Susuotin ko ba talaga ang mga 'to?" Kinuha ko ang isang damit na binili namin ni Cathy na susuotin ko raw pag kaming dalawa lang ni Ralph. "Para naman akong prostitute nito. Ayoko," sabi ko saka binalik sa maleta ko. Sinarado ko na lang dahil wala akong mapiling damit na maayos. Hinayaan ko pa kasi si Cathy na mag-ayos ng dadalhin ko, eh. Nagsisi tuloy ako.

Lumabas ako ng closet na sobrang lawak para talaga ito sa mag-asawa kasi dalawa ang closet na lalagyan ng mga damit at gamit saka malaki ang banyo na may dalawang sink pa. Apat daw lahat ang kwarto rito sa bahay pero dalawa lang naman kami ni Ralph na nandito. Akala ko nga hiwalay kami ng kwarto pero siya mismo nagsabi na isa lang ang gagamitin namin.

Naabutan kong may kausap si Ralph sa phone nung lumabas ako ng banyo. Mukhang may inaayos siya. Bumaling siya sa 'kin nung matapos siyang makipag-usap.

"Sana hindi na lang tayo pumunta rito. Marami ka palang maiiwan na gagawin. Okay lang naman sa 'kin kung uuwi na tayo," sabi ko sa kanya dahil sa narinig kong pinag-usapan nila ng kausap niya sa phone.

He shook his head at lumapit sa akin. "Forget what you've heard. I can handle it. Don't stress yourself about it, okay? Let's enjoy this vacation cause we're not going back home yet."

Hindi ko inasahan ang sinabi niya. Napatango ako at napangiti sa kanya.

Ang dami na niya sigurong napabayaan simula nung magbuntis ako. Hindi na kasi siya masyadong pumapasok. Sa bahay na lang siya gumagawa ng reports at nag-aasikaso ng mga kailangan sa office at pag may meeting, saka lang siya aalis ng bahay. Ang layo na talaga ng binago ni Ralph. Ibang-iba na siya kaysa nung una ko siyang nakilala at mas gusto ko ang Ralph ngayon.

Nailang ako sa tingin niya kaya naman tumagilid ako at napatingin sa labas. Ang ganda ng view lalo na at kita lahat dito dahil sa puro glass ang wall sa harapan.

"Ang ganda ng dagat mukhang ang sarap maligo. Mataas pa ang sikat ng araw," nakangiting sabi ko habang nakatingin sa view ng dagat.

"Yeah, we should go out and swim," sabi niya saka pumasok ng banyo.

Nako mukhang mali yata ang nasabi ko. Nagyaya tuloy siyang mag swimming. Lagot na! Ayoko suotin yung mga damit!

"You're next. Change now. I'll wait here," sabi nito sa 'kin paglabas niya. Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa at naka-topless lang ito na may nilagay na towel sa balikat niya.

Napukaw niya ang malalim na iniisip ko nung nagsalita siya, "Go now, Gen."

Agad akong tumango saka pumasok sa banyo. Kinuha ko ulit ang maleta ko at binuksan. "Alin kaya rito ang maayos na suotin?"

Inisa-isa ko lahat ng laman at may isa akong nahanap na medyo okay pa kumpara sa iba. Fuchsia ang kulay ng dress. Tiningnan ko sa salamin ang suot ko. Ito na ang pinakamatino rito.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon