Chapter 37: A Privilege

134K 2.2K 154
                                    


Geneva's POV

"Cathy, may sasabihin ako sa 'yo," mahinang bulong ko sa phone.

"What?"

"Feeling ko mahal na ako ni Ralph." Sabay tingin ko sa likod baka marinig kami ni Ralph na pinag-uusapan namin siya.

Napatili siya kaya nilayo ko nang kaunti sa tainga ang phone ko dahil sa lakas ng tili.

"Oh my! Sabi sa 'yo eh. Mahal ka na n'on eh. Pero paano mo nasabi 'yan?"

"Gandang-ganda lang talaga siya sa 'kin," biro ko.

"Wow, ang taas ng confidence ha."

Natawa ako. "Biro lang. Kahapon kasi may nangyari."

"Talaga, ano?"

"Nagselos ak—"

"Who's that?"

"Ay palaka!" Nagulat ako nung magsalita si Ralph sa likod ko kaya na off ko agad ang tawag. Ngumiti na lang ako bigla sa kanya. "Hi! Gising ka na pala. Wait, magluluto muna ako."

Agad akong dumeretso sa kusina. Kagigising ko lang din at hindi pa nakapagluto ng breakfast kasi naman tinawagan ko muna si Cathy. Pagkatapos kasi ng nangyari kahapon nakatulog kami at paggising namin gabi na kaya kumain na lang kami ng dinner at nagpahinga na ulit. Sayang nga hindi na kami nakaligo sa beach.

I was cooking in the kitchen when I felt his presence behind me. After a few seconds, I felt his arms around my waist.

Nilingon ko siya at napansin ko ang pagpikit ng mga mata niya.

"Ralph," I called him. Hindi siya umimik. "Naglalambing ka na ngayon, ah," nakangiting tukso ko sa kanya.

He opened his eyes and stared at me. Napalunok ako sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin. Slowly, he reached for my lips and kissed me. I answered his kisses but after a few minutes, I pulled away.

"Ralph, alam kong gandang-ganda ka na sa 'kin. Pero gutom na kasi ako. Let's have breakfast first, and I want to swim after."

"Sorry, I was lost when I started kissing you." His voice softened.

Ralph helped me fix our breakfast tapos kumain na kami. After namin kumain ay tumayo na siya at dinala ang mga plato sa sink. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya na naghuhugas ng plato. This was the first time he did that. I sighed deeply. Mahal na mahal ko na talaga si Ralph.

After niyang maghugas ay pumunta na kami sa labas para maligo sa dagat. Siguro umabot ng isang oras 'yon bago siya nagyaya na libutin ang isla gamit ang electric boat na kasama sa rent namin dito. Umikot kami ng isla. Nakatutuwa pala pag marunong mag-drive si Ralph ng boat dahil kung saan-saan kami nakaabot. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nakikita namin.

Hapon na nung nagyaya na akong bumalik na kami. Kanina pa kasi kami sa gitna ng dagat at mainit pa. Gusto ko nang mahiga.

"Uwi na tayo, Ralph. Pagod na 'ko. Madami naman tayong nakita saka may apat na araw pa naman tayo rito. Sa susunod naman natin puntahan yung ibang lugar."

Nag-aalala siyang tumingin sa akin. "Are you not feeling well?"

"Okay lang naman ako. Gusto ko lang mahiga."

Tumango siya at binilisan na makauwi kami. Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ng bahay. Mabilis siyang umalis sa tabi ko at bumalik na may dalang towel na nilagay niya sa likod ko pa sampay ng balikat ko.

"Salamat."

Nauna na akong maligo sa kanya at nagbihis ng comfortable na damit. Siya na ang naligo pagkatapos ko. Nahiga lang ako sa kama at agad na nakatulog.

Paggising ko ay nakita kong nakatulog din pala siya. Napangiti akong tinitigan siya. Ang mahaba niyang pilikmata at matangos na ilong na sana makuha ni baby.

Napunta na naman sa labi niya ang tingin ko. Hindi ako makapaniwalang ilang beses ko nang nahalikan 'yon at malaya na akong nakahahalik diyan na hindi siya nagagalit.

Inangat ko ang kamay ko para hawakan ang pisngi niya. Mahina kong hinaplos ang mukha niya baka kasi magising siya.

"Thank you for making me happy, Ralph," mahinang sabi ko na nakangiti.

Alam kong hindi niya maririnig 'yon dahil tulog siya. Gusto ko lang kasi sabihin kung ano ang nararamdaman ko at this moment.

I was just staring at his face when after a while, he slowly opened his eyes.

His lips formed into a smile when he saw me staring at him. Using his right hand, he touched my hand that was on his face. He gently squeezed it before he guided my hand to his mouth and kissed it while he was looking at me.

The way he looks at me now feels like I'm the most beautiful woman he has ever seen. Natutuwa ang puso ko dahil sa pinakikita niya sa akin. Kulang na lang ay sabihin niyang mahal niya na rin ako.

Kailan niya kaya sasabihin sa 'kin 'yon?

'Yon talaga ang matagal ko nang hinihintay mula kay Ralph. I know he's been sweet to me lately pero iba pa rin pag nanggaling mismo sa kanya na mahal niya ako. Ayokong mag-assume lang based sa actions niya.

"Ang ganda ko naman para tingnan mo nang ganyan. Daig ko pa si Cinderella," natatawa kong sabi after a few minutes of silence.

Napakunot ang noo niya. "You are not her. Neither Snow White nor any princesses."

"Ah so hindi ako maganda—"

"...cause you are not a princess. You are a queen. My queen," dagdag niya na ikinatigil ko.

Nung ma-realize ko ang sinabi niya ay napangiti na lang ako. Sa sobrang tuwa ay pinapak ko ng halik ang labi niya at pinaulanan ng halik ang buong mukha niya saka hinalikan ulit ang labi niya.

"Nakaaadik talaga 'yang labi mo," sabi ko.

"Jinggay said na ito raw ang pinaglilihian mo. When she told me that, I realized na hindi ko dapat ipagkait sa 'yo 'to."

"Sus, sabihin mo gusto mo rin naman."

Napailing siyang napangiti. "I won't deny that. But having you inside my arms is already enough. But of course, kissing you is way more than enough. It's like a privilege."

"Ang corny mo." Pero kinilig ako ro'n. "Pasalamat ka gwapo ka." Sabay pingot ko ng ilong niyang matangos na ikinaismid niya. Masakit siguro. Napalakas yata.

Sumimangot talaga siya. "Stop ruining the moment," reklamo pa niya.

Natawa na lang ako at niyakap siya.

Ralph hugged me back and at that moment, I knew something between us had changed. We were not the same as we were seven months ago. That's for sure.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon