Chapter 38: Vocal

139K 2.2K 128
                                    


Geneva's POV

Five days alone with Ralph were the most beautiful days I have ever had.

Sobrang saya lang kasi siya ang kasama ko at iba na talaga siya. Ito yung mas gusto kong version ngayon. Sobrang sweet at clingy na hindi ko inakalang may gano'n pala siyang tinatago.

Inaamin ko mas clingy ako sa kanya yung tipong papansin na halos kumapit na 'ko sa braso niya pag magkasama kami. Pero siya yung clingy type na sweet. Yung gusto niyang nakayakap sa akin pag natutulog. Yung pag nanonood ng TV o kaya pag kumakain ay tumatabi na siya sa akin. Pag nasa boat kami at namamasyal ay gusto niya nasa malapit lang ako na abot niya.

Hindi ko alam bakit naging ganito siya ngayon sa akin. Nakatutuwa lang kaya hindi ko na iniisip ang pagbabago niya. Ine-enjoy ko na lang ang bawat sandali na sweet siya sa akin at hindi naman siya nagagalit pag sobrang clingy ko na talaga sa kanya. Sagad na sagad na kasi ang pagkahulog ko sa kanya. Wala namang masama kasi asawa ko naman siya at willing akong malunod kung sa kanya rin naman.

"What are you thinking?" Biglang dumating si Ralph at umupo rin sa sand katabi ko.

Nakangiti ko siyang nilingon. "Ikaw."

He pulled me closer to him using his left arm saka naman ako nahiga sa balikat niya. Pinanonood ko ang dagat at sinag ng araw. Umaga pa lang kasi kaya magandang maupo sa beach at magpahangin.

Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at hinaplos ang braso ko gamit ang kamay niyang naka yakap sa 'kin.

"I like it when you're so vocal about what you feel and what you think especially when it's about me," sabi niya.

Napangiti ako. "Oo naman. Nasanay kasi akong sabihin ang nararamdaman ko. Sabi kasi ni Mommy, iparamdam mo sa mga taong mahal mo kung gaano mo sila kamahal kasi hindi mo malalaman kung hanggang kailan na lang sila sa tabi mo. Grab every chance ika nga. Kaya namatay man ang parents ko, alam kong alam nila kung gaano ko sila kamahal at gano'n din sila sa akin."

Saglit siyang natahimik at ilang sandali ay napabangon ako nung gumalaw siya. Humarap ako sa kanya at nahuli kong nakatingin siya sa akin.

Ngumisi ako. "Alam ko ang mga tinginang ganyan mo. Nako nako, Ralph ha."

He laughed a bit breaking our stares. "I wish I can be like you, so I have the courage to tell you how you make me happy every single day and how I love that you make me laugh each in jokes you say. My life was dull before I met you, and I don't wanna go back to that time anymore. I only want to be in the time where I am with you."

Kinilig ako. Si Ralph kasi, eh! Napangiti ako sa kanya. "Ayan, nasasabi mo na rin naman. Nagiging vocal ka na rin."

Napailing siyang nakangiti nang kaunti. "Not even a little bit compared to you."

Napasimangot ako. "Hindi mo pa nasasabi sa 'kin kung gaano ako kaganda. 'Yon lang ang hinihintay kong sabihin mo, eh."

He laughed. "I don't think I need to tell you that. You already know that you are beautiful."

"Mas maganda pa rin pag sa 'yo galing."

"Okay." He smiled. "You are the most beautiful woman in my eyes."

Napanguso ako. "Siyempre eh ako lang naman ang nag-iisang babae rito na kasama mo."

He laughed. "Silly," sabi niya saka hinapit ulit ako sa baywang at niyakap habang nakatingin sa dagat. Hiniga ko na lang ang ulo ko ulit sa balikat niya.

"Ralph."

"Hmm?"

"Mas maganda ba ako sa ex mo?"

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon