Chapter 39: Sunset

136K 1.8K 195
                                    


Geneva's POV

"Hey, we're here."

Ginising niya ako sa pagkahaba kong tulog. Tiningnan ko ang paligid at saka naman nanlaki ang mga mata ko dahil sa ganda ng view. Mabilis akong lumabas ng kotse.

"Ang ganda..." sabi ko nung mamangha ako sa view na kita ang buong city. Nasa isa kaming mountain. He asked me out to watch a sunset on top of the hill. Pumayag ako pero hindi ko alam na ganito kaganda rito sa taas. Ngayon lang ako nakapunta rito. Kita ko ang lahat dahil maliwanag pa naman kami nakarating.

"I am glad you like it."

Nilingon ko siya na ngayon ay nasa tabi ko na pala. He's smiling while looking at the view at saka siya tumingin sa akin na nandiyan pa din ang mga ngiti sa labi niya. Ang gwapo talaga.

"Kahit saan mo naman ako dalhin, gusto ko. Kahit sa langit pwede."

His brows furrowed. "I don't wanna die. I haven't experienced changing diapers yet," sabi niya na ikinatawa ko nang malakas. Lahat na lang ba seseryosohin niya?

Nagkibit-balikat na lang siya saka bumalik sa kotse at kinuha ang mga dala namin. Sumunod na rin ako sa kanya para tulungan siya. Nilapag niya ang makapal na mat sa lupa bago nilagay ang dala naming pagkain. Sandwich, fruits at juice lang naman ang dala namin.

Umupo na kami saka nilantakan ang pagkain. Gutom na kasi talaga ako. Kumain na rin siya at napapangiti ako dahil kinikilig ako. First time naming mag-date nang ganito sa labas. Tapos ang sweet pa dahil sa napaka-private na lugar na walang tao at ang romantic ng lugar dahil sa kita mula rito ang sunset. Pero ang pinaka-romantic ay ang kasama ko siya ngayon.

Sinong mag-aakala na mahuhulog siya sa patibong ko? Sinong mag-aakala na ang masungit na Ralph ay magiging ganito ka-sweet? Napahawak ako sa tiyan ko.

Success tayo, baby. Lumambot na ang puso ng daddy mo. Pwede ka nang lumabas kahit ngayon na. Sigurado na akong mahal ka na niya at aalagaan tulad ng pag-aalaga niya sa akin. Swerte natin sa daddy mo. Gwapo na, sweet pa. Magaling—

"Sumasakit na naman ba ang tiyan mo?" nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako. "Hindi. Kinakausap ko lang si baby sa isip ko. Kain ka lang. Ang ganda ng sunset, oh."

Nilingon niya ang palubog na araw. "Yeah. It's so beautiful."

Kinain ko na ang huling piraso ng sandwich ko saka uminom ng tubig. Umusog ako palapit kay Ralph para umupo sa tabi niya. Agad naman niyang nilagay ang kamay niya sa baywang ko kaya sumandal ako sa katawan niya. Kita mo na. Automatic na 'yang sweet. Hindi na kailangan sabihan. Natututo na rin.

"Ralph, bakit mo ako dinala rito?"

"I learned that you love sunset," sagot niya. Umangat ako ng tingin sa kanya at nakatingin siya sa tanawin.

"'Yon lang?"

His lips formed into a smile. Nilingon niya ako at halos magkadikit na ang mukha namin sa isa't isa. Mata sa mata kami nagtitinginan.

"I just want to be romantic with you. You deserve to get to see this beautiful sunset for making me so damn happy these days. My heart is so full because of you. This is my way of showing my gratitude."

Napangiti ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, akala ko ako na ang pinakamasaya pag magkasama kami at pag ganito siya ka-sweet sa akin. Pero siya rin pala.

"Ikaw rin naman. Pinaliligaya mo ako. Sobra pa. Lalo na ngayon. Tuwang-tuwa ako at mas lalo pa kitang minahal," sabi ko saka binaba ulit ang tingin at sumandal ulit.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon