Chapter 40: His Secret

142K 1.9K 124
                                    


Geneva's POV

It's Sunday at busy akong maghanda ng pagkain. Nagluto kasi ako dahil inimbitahan ko si Mommy Dee na mag-lunch dito ngayon.

Sinabi ko kasi kay Ralph na tapos na ang nursery room i-design. Gusto kong ipakita sa kanya at kay mommy nang sabay. I want to surprise them kaya naman nag-prepare ako for today. Even Ralph hasn't seen the room yet.

"Hello, my only daughter!"

Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang nakangiting si Mommy Dee sa akin. Sinalubong niya ako ng yakap at beso.

"Kumusta po?" tanong ko.

Ngumiti naman siya at masiglang nagsalita. "I'm okay, darling. Look at you, very gorgeous in spite of that very big belly of yours. The last time I saw you was last month. Ang laki ng nilaki ng tiyan mo, hija."

Umalis kasi si mommy at nag-out of the country ng isang buwan. Gumagala na lang daw siya para mag-enjoy dahil gaya ng sabi niya, hindi naman daw niya madadala sa hukay ang pera which is tama naman. Magpakasaya na lang siya habang malakas pa siya at kaya niya pang mamasyal.

"Oo nga po. Eight months na kasi si baby," sabi ko sabay himas ng tiyan ko.

"Ang bilis ng panahon. Kaunti na lang. Malapit nang lumabas ang apo ko," excited na sabi ni Mommy Dee. "May rason na rin ako para hindi na paalis-alis. May pagkakaabalahan na akong apo na aalagaan."

Napangiti ako nang maramdaman kung gaano siya ka-excited at kasaya sa apo niya. Para na rin akong nanalo sa lotto dahil sa overwhelming na pagtanggap niya sa akin at sa baby namin ni Ralph.

"Ready'ng-ready na ang nursery para kay baby. Ipakikita ko po sa inyo maya-maya. Kain po muna tayo."

Tumango siya. "Sure. Mukhang ang sasarap ng luto mo. Nasaan na ba si Ralph para makakain na tayo?"

"I'm here."

Kadarating lang niya sa dining room. Nagbeso siya kay Mommy Dee.

"Gumwapo ka lalo, anak," puri nito.

Napailing lang si Ralph. "Let's eat, Mom."

"Okay!" Maganang kumain si mommy ng lunch at kinukumusta niya si Ralph pati na ang trabaho nito. Maayos naman siya kausap basta ang mommy niya ang kausap niya tungkol sa business na 'yan. "Kumusta naman kayong dalawa? May second wedding ba ulit?"

"Mom," saway ng asawa ko. Napatingin ako kay Ralph nung nagsalita.

Napairap kunwari si Mommy Dee saka kumain na lang. Pagkatapos ay dinala ko sila sa taas kung nasaan ang nursery na nasa tapat lang ng kwarto namin.

"Surprise! Maganda po ba?" Proud na pakita ko sa kanila ng pinagpaguran namin ni Cathy.

"Wow! I like the colors, the furniture, accents, and the overall style. Well done, hija. Napaka-comfy, siguradong magugustuhan ito ng apo ko."

Napangiti ako sa kanya. "Salamat po," sabi ko saka bumaling kay Ralph na ngayon ay tiningnan ang buong kwarto. "Nagustuhan mo ba?" tanong ko sa kanya.

Nilingon naman niya ako saka tumango. "I like it. Very cozy for the baby."

"Mabuti naman at nagustuhan mo. Akala ko ibabalik ko lahat ng pinamili ko," natatawang sabi ko.

"No, you have such a great taste," sagot niya habang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi nang mabilis lang naman.

"Aww, you both look so sweet," masayang sabi ni mommy.

Napangiti ako saka hinarap si Ralph. "Sweet kasi itong si Ralph, Mommy. "

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon