Chapter 63

289 12 0
                                    

It's Saturday.. Yes.. Saya ng ViceJack

Vice's PoV
Andito ako ngayon sa gymnasium ng campus kasi may training kami ng volleyball. Syempre kasama ko si jaki, buti na lang at pumayag si coach na isama ko siya. Habang hinihintay si coach ay bumalik muna ako sa pwesto kung saan nakaupo si jaki

"MOO" tawag ko sa kanya

Pero hindi sumasagot ang ate niyo, busy kasi sa paglalaro ng games sa cp ko, pinasahan kasi ako ni kuya billy ng laro kaya yun

"Hey kulit, tigil mo muna yan" saad ko

"Oo sandali lang MOO" sagot niya

Sumagot ang ate niyo pero di pa rin talaga tinitigil yung ginagawa niya. Napakamot na lang talaga ako sa ulo ko

"YES PANALO AKO!" saad ni jaki

Napatingin na lang ako sa kanya at natawa

"Ay sorry MOO" dagdag niya sabay peace sign

Tumabi naman ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya

"Aray ko naman MOO" saad niya habang hawak ang pisngi niya

Agad ko naman hinalikan yun kaya nagulat siya

"Yan, masakit pa ba?" tanong ko

Umiling lang siya sa akin. Ngumiti na lang ako sa inasal niyang yun. Inabot naman niya sa akin yung cp ko

"MOO tingin" saad ko

Tumingin siya at ngumiti. Pinunta ko kasi yun sa camera icon ng cp ko

*1*2*3* click

"Ang cute mo kulit" saad ko

"Aysus, matagal na MOO" saad ni jaki

"Ay ang hangin MOO, ang lakas.. Haha" saad ko

Nakatikim tuloy ako ng hampas sa kanya.

"Hangin pala ah pero cute ko talaga diba" jaki

Tumango na lang ako sa kanya

"Ah kulit, di ka pa ba nagugutom?" tanong ko

Agad naman niya akong niyakap sa bewang at siniksik na naman yung ulo niya sa dibdib ko

"Oo MOO gutom na ako" jaki

"Sige MOO, bili lang ako saglit, babalik din ako" saad ko

"Mamaya na MOO ganito muna tayo please" jaki

"Eh MOO akala ko nagugutom ka na?" saad ko

"MOO, ganito muna tayo please" jaki

"Ikaw talaga MOO ang clingy clingy mo" saad ko

Di niya lang ako pinansin. Ang ginawa ko na lang ay pinaglaruan ang buhok niya, sinusuklay yun gamit ang daliri ko. Mga ilang saglit pa ay umupo din ang ilan sa mga kasama ko sa volleyball

"Ouy yung couple oh" jon

"Nga eh, answeet nila, daming langgam" jimboy

"Lah! Minsan lang kami magganito mga kuys" sagot ni jaki

Tumango na lang kami ni jaki sa mga kasama ko. Mga ilang saglit pa ay bumitaw na rin si jaki.

"MOO, dito ka lang ha, bibili lang ako ng pagkain, may malapit namang bilihan ng pagkain dito" saad ko

"Ok MOO, balik ka agad ha" jaki

"Opo kulit" sagot ko

Tumango na lang siya sa akin at ako naman ay bumili muna ng pagkain. Buti na lang may malapit na bilihan ng pagkain dito.

Unexpected RelationshipTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang