Chapter 67

231 6 2
                                    

Gusto mo siya.. Gusto ka niya.. Bakit di na lang kasi kayo?? Nakakalungkot lang kasi di pwede eh. Pero sabihin mo lang sa akin kung pwede na para tayong dalawa na lang

Jaki's PoV
Andito kami ngayon sa garden ng bahay namin. Syempre andito pa si vice, di pa umuuwi, mamaya na lang daw. Tinatanong niyo po siya, ayun nakikipagchess kay kuya. Eto po ako kasama si VJ at nilalaro ang balahibo niya

"Hay VJ ang bilis mong lumaki" sabi ko kay VJ

Alam kong di siya sasagot pero ramdam kong love niya kami. Mga ilang saglit pa ay lumapit na sa amin si vice

"Hmm, musta? Natalo mo ba si kuya?" tanong ko

"Ah oo.. Pero hirap niyang talunin ah" sagot ni vice

"Oh bunso, ang galing pala nitong si vice sa chess eh, di lang pala sa volleyball" sabat ni kuya kiko

"Kuya, magaling din naman kayo" vice

"Iiee kuya may fans na" saad ko

"Ikaw talaga bunso, pero maiwan ko muna kayo ah, may pupuntahan lang ako" kuya kiko

"Sige kuya" sabay na sabi namin ni vice

"Oh, wala ka bang training ngayon?" tanong

"Meron lovey" vice

"Oh?Bakit di ka magpunta?" tanong ko ulit

"Ah, ok lang ba sa iyo?" vice

"Ay oo naman pero kung gusto mo akong isama ayos lang din naman diba VJ" saad ko

Tumahol naman siya, ibig sabihin sang ayon siya sa akin

"Sige.. Ah uwi muna ako tapos balikan kita dito ah" vice

"Ah sige pero wala si mama umalis.. Ako lang pala dito" saad ko

Nag isip isip naman si vice, mga ilang saglit pa ay nagsalita siya ulit

"Di na pala ako pupunta sa training" vice

"Bakit naman?" tanong ko

"Mas importante ka kaysa training. Kaysa naman iwan kita dito mag isa, edi dito na lang tayo" vice

"Baka mamaya matanggal ka na sa volleyball" saad ko

Mga ilang saglit pa ay yumakap naman siya sa akin

"Ok lang sa akin matanggal dun basta wag lang sa iyo" vice

"Ay humirit na naman ang kuya niyo pero sige ikaw masusunod" saad ko

Mga ilang saglit pa ay dumating na sila mama, nag-grocery pala sila di man lang nagsama

"Ang sweet naman ng dalawa oh.. Mga batang ito talaga" saad ni papa

Napaayos na lang kami ng upo ni vice. Lumapit naman si VJ kay papa

"Oh VJ, anong ginawa ng amo mo?" tanong ni papa kay VJ habang hinahaplos ang balahibo nito

"Ay, pa hayaan mo na yung dalawa malalaki na yan" sabat ni mama

"Sige na sige na.. Kampihan mo na naman yang anak mo.. Pero wala ba kayong lakad ngayon?" tanong ni papa

"Ah, meron po, may training po ako ng volleyball ngayon, ok lang po ba sa inyo na isama ko si jaki?" vice

"Ah.. Oo naman iho, ok lang sa amin" mama

"Oo vice, ayos lang basta ibalik mo yan dito" papa

"Ay oo naman po" vice

Mga ilang saglit pa ay bumalik ako sa kwarto ko para maligo at magbihis. Sabay na raw ako kay vice. Ewan ko dun, tinamad na bumalik. After 30 mins nakabihis na ako at sakto din naman ang dating ni vice

Unexpected RelationshipDonde viven las historias. Descúbrelo ahora