Chapter 74

267 12 2
                                    

CONTINUATION

Vice's PoV
After naming ipasyal si baby VJ ay binalik na namin siya sa mommy niya. Mamaya kasuhan pa kami eh.

Syempre kaming dalawa naman ni Jaki ang may moment ngayon. It's already 6 PM pero andito pa rin kami sa isang bench sa isang park. Kumakain ng favorite naming street foods

"Ah lovey ilang buwan na lang pala sa States na kami magtetraining for volleyball" saad ko

Bahagya naman siyang napatigil sa pagkain at tumingin sa akin

"Ilang buwan? Bakit parang ang bilis naman?" walang emosyong sabi ni jaki

"Ah.. Ah yun kasi ang sabi ni coach. Pero kung ayaw mo, I'll quit in volleyball" sagot ko

"Di naman sa ayaw ko, ang akin lang naman pwede pa namang pakiusapan si Coach Ish diba. Parang ang bilis naman" saad ni Jaki

"Wala naman akong sinasabing ngayon na. Look, March na di pa naman kami ngayon aalis eh, after graduation pa" saad ko

"After graduation? So month of July kayo aalis?" tanong ni jaki

"Ganun na nga" malungkot na sagot ko

"So after garduation, iiwan mo na ako. Magbabakasyon pa tayo nun diba. Di naman na natin kailangang maghanap ng trabaho kasi andyan si dad" mahabang sabi ni jaki

Alam ko ang mga bagay na yun pero. Bakit ang hirap

"Alam ko yun lovey. Sige, kakausapin ko si Coach sasabihin kong magkiquit na ako sa volleyball. I will stay here in the Philippines for good" saad ko

Di ko alam na may pumatak na palang luha sa mata ko, agad ko din namang pinunasan yun. Di ko alam eh, basta na lang siyang tumulo. I look unto Jaki, naabuyan ko siyang pinunasan ang luha niya

"Di ko naman sinabi na magquit ka na sa volleyball.. " saad ni jaki

"Pero parang sa sitwasyon natin ngayon, mas pipiliin ko na lang dito na lang. Ayaw kong nalulungkot ka, ayaw kong nag-aalala ka" saad ko

Di humihinto ang mga luha ko sa pagtulo kaya punas rin ako ng punas

Mga ilang saglit pang tumahimik ang paligid, lumapit si Jaki sa akin at niyakap ako. Parang ayaw maglabas ng sasabihin ang aking bibig. Tanging hikbi ni Jaki ang naririnig ko

Ito na ata ang pinaka-emosyonal na pagsasama namin ni Jaki. Sa sitwasyon ko kailangan ko na talagang kausapin si Coach. Mga ilang saglit pa ay bumitaw na kami sa yakap na yun, pinunasan ko naman ang luha niya gamit ang hinlalaki kong daliri

"Diba sabi ko, ayaw kong nakikita kang umiiyak? Pangit mo na tuloy" saad ko

"Ikaw kasi eh, ikaw nag-umpisa" saad ni Jaki

"Ako ba? Sorry na po" saad ko

Agad din naman akong humalik sa noo niya at yumakap ulit sa kanya

"Mas mahalaga ka sa akin kaysa sa volleyball. Pag nawala ka pa, di ka na mapapalitan. Kaya nga pinahahalagahan kita, tandaan mo yan ha" saad ko

"Opo sir, tatandaan po" sagot niya

After ng emotional night na yun ay nilisan namin ang park at nagtungo kung saan. Di ko alam kung saan kami pupunta pero masaya ako, kasama ko naman siya

"Saan ang punta natin ngayon?" alalang tanong ni Jaki

"Di ko rin alam lovey. Road trip" sagot ko na lang

"Road trip? Ng gabi?" tanong niya

"Pwede naman yun ah. Pero saan mo ba gustong pumunta?" sabi ko

Unexpected RelationshipWhere stories live. Discover now