5:Kakagat kaya?

89 8 0
                                    

KATELYN'S POV:

"Minsan lang to. Im just being generous today"mayabang nya pang sabi

Winagayway pa nya na parang flag yung hawak na ticket. Sabay amoy doon.

"Europe ,you can tour them for a month. I can grant you a visa or a vacation leave just for your rest as long as you accompany me to the club "dagdag nya.

Hindi naman halatang tinetemp nya ako sa lagay na yan ah?

"NO"matigas na sagot ko. Sabay ngisi.

"Ikaw rin alam mo bang out of 100 isang beses ko lang ginagawa to sa maid ko ,this is your lucky day kaya dapat tinatanggap mo na"giit nya.

Umiling ako, hindi lang isa. Kundi sampong beses pa.

Nakita kong napabuntong hininga sya.

"So you already decided. Sige itatago ko nalang to"sagot nya habang hinahabol ko naman ng tingin ang ticket na hawak nya.

Ticket na naging bato pa? Wait--- erase! erase! erase! ano ba yang iniisip mo Katelyn promotion muna! promotion!

Hindi pa ako nakakabawi sa panghihinayang nang bigla nalang nitong inalis ang robe nya sa harap ko.

Automatic na napatakip ako ng mata.

"Silly though. Are you going to watch me while changing? "Sagot nya.

At ang nakakairitang ngiti ang nakapaskil ngayon sa mukha nya.

Abat talagang!

Diretso akong lumabas ng kwarto nya.

Delikadong magtagal dun, baka mamaya kasuhan pa ako nun since minor sya. May laban yun kahit long lost brother nya si satanas.

Tuso talaga tong batang to.

His really beyond my---BLAAAG!

Ano yun?

Wala akong inaksayang panahon kumatok ako sa kwarto nito.

Walang sumasagot, pero hindi ako nagkakamali na may narinig talaga akong pagsabog kanina e.

Kumatok ulit ako.

Isang beses..

Dalawa..

Tae bat di nya binubuksan?

"Sir? Sir okey lang po ba kayo? Sir? SIR? "

Wala pa rin akong naririnig na response kaya no choice ako kundi gamitin ang susi na bigay sakin ni General.

Kinuha ko yun sa bulsa ko.

Isinaksak sa doorknob at pinihit iyon.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Butas yung kwarto nya as in kita ko na yung labas tapos may lubid na nakabuhol mismo sa metal typed dun sa pinakahaligi na sumabog kanina, tumutuloy yun hanggang baba sinundan ko ang tali at nanlaki nalang ang mata ko ng makita kong kumakaway na ang siraulo kong alaga sa isang open top na kotse wearing all black.

"Pano ba yan, see you later looser"sabi pa nito saka pinandilatan pa ako.

Wow! Ibang klase? Talaga bang may nag eexist na ganitong lalaki?

Hahabulin ko pa sana sya at tatalon pababa ng tuluyan na nitong pinaharurot ang kotse dahil nakababa na pala ito at nagdrive na mismo roon.

Napakamot nalang ako sa ulo.

FRIO'S POV:

"Kong nakita mo lang sana dude yung gulat sa mukha nya. Its priceless dude! Tapos yung mala mission impossible kong act kanina Dude sayang you didnt watch it! Baka sabihin mo pa na ako na ang papalit kay Tom---Dude nakikinig ka ba? "

Alam mo yung salita ka ng salita tapos itong bestfriend mo busy sa pag babrowse gamit yung tablet nya. Argh! Kong di ko lang to bestfriend inihampas ko na yung tablet sa mukha nya.

Ano ba kasing tinitignan nya sa tablet nya?

Sumilip ako pero mabilis din tong ugok na to e. Tinakpan ba naman.

"This is my privacy. Back off"

Ang sungit ah?

"Ano ba kasing tinitignan mo dyan? "

Andito kami ngayon sa isa sa favorite part ng mansyon nitong si Tiero, liesure place ang tawag dito..

Nandito na lahat ng mga bagay na gugustuhin nang teenager na puntahan.

Its an interactive, more on technology and video games paradise.

May mga LED TV dito for video games na sa tantya ko life size, its 50 plus maybe. At may nag ooperate din ng cctv sa may side ko ,sila na rin ang nag ooperate ng mga yun sa buong mansyon.

"Kumusta ang pambubwisit mo sa maid mo? "

Sa wakas kinausap nya na rin ako after a decade😒😒

"Baka nga bukas umalis na yun e. Hindi mo ba ako kilala dapat kasi nakikinig ka sa kwento ko Psh!?"kunwaring nagtatampong sabi ko na.

Ngumisi ang gago saka inayos ang salamin sa mata.

"Really? goodluck nalang dude"sagot nya sakin dahilan para mapakunot ang noo ko.
Psh! Nakakaramdam na ba sya ng pagkatakot? Kaya ganyan ang mga sagot nya? Yun tipong defense mechanism ng gago?

Tumayo sya at iniwan ako sa couch.

"One on one.Laro tayo"sabi pa nya na di lumilingon.

Hindi naman ako nagpahuli. Tumayo na ako at sumunod sa kanya.

Go ahead! Ilang beses ko na ba syang natalo sa video games?

KATELYN'S POV:

"Si Frio? "

Kanina pa ako di mapakali tapos yan pa ang bungad na tanong sakin ni chief aist kakainis talaga! Sana lang nilagyan ko sya ng locator para once na mawala sya mahahanap ko sya kaagad.

Kanina lang kasi nahulog nya yun. Yun kasi ginamit ko noon, nung naisahan nya ako at tinakasan nya ako sa banyo.

Yung locator na yun ang dahilan kaya nahanap ko sya at nailigtas sa kaaway nya kanina pero grabe naihulog nya siguro yun nung nagshower sya.

"Nakikinig ka ba? "

Eksaktong nagtama tuloy ang tingin ko sa mga mata ni sir. Dahilan para mawala ang iniisip ko at pag rereminisce kanina.

"Ah eh sir... "nginuso ko ang kinukumpuni na ngayong kwarto ni Frio, sa mismong kinontak kong karpentero.

Napaface palm nalang si Chief.

"He always doing that to the maids that I hire... mukhang ikaw nanaman ang newest victim, agent De leon? "

Victim?

Ako daw?

"Well, his arrogance, cold and playful. Walang nakakatagal sa mga maids nya dahil sa ganitong setup. His sneeky, masyadong bilib sa sarili at sa tingin ko... ginagawa nya yan para mawala ang pagkaboredom nya...kaya ikaw ang kinuha ko dahil alam kong may magagawa ka para ituwid ang baluktot nyang ugali and.... "
.
.
.
.
.

"Sir I want to quit now"

Napanganga nalang si chief sa sagot ko.

[A/N: Magqui-quit na si Katelyn? Omegee paano na ang promotion?BUKAS ULIT.
R E P L Y. H E R E]

OPERATION:TAMING MR TIGERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora