37: END

126 9 0
                                    

KATELYN'S POV:

[After six years bumalik na rin ang kontrobersyal na binata na si Frio Hansen Villoso na saksi sa pagkamatay sa bestfriend nitong si Tierro,na kasalukuyang pinagbabayaran ngayon sa preso nitong si Larson anak ng isang senador.Isa na itong ganap na sundalo. He was now based on the Philippines at hindi na nito balak pang bumalik sa US. Matatandaang may umugong na balitang engage na daw ito sa isang babae at magpapakasal na kaya nakapanayam namin si Mr Villoso bilang sagot sa isyu]

Rinig ko ang balitang yun mismo sa tv. Wala na akong panahong pakinggan pa ang litanya nya at isa pa wala rin akong pake kong anong itsura nya.

Simula nung umuwi sya, palaging bukang bibig na sya ng balita at yung engagement daw nito. Hindi na ba sila nagsasawa?

Lumabas na ako ng bahay, wala si mama sa loob dahil nasa mga kapatid ko sya ngayon. Andun kasi yung mga apo nya kaya inuna na nya muna.

Nagtatampo pa nga sya sakin kasi dapat daw sinagot ko na si Neo noon pa gayong kamakaylan lang e nagpakasal na daw yun sa isang co teacher nya at nagbase na rin sa Canada at parehas na nagtuturo doon.

Natatandaan ko pa nung huli kaming nagkita may dala syang invitation kasi daw, sa wakas nakilala na nya rin yung para sa kanya. It was a month ago .

Thats life, may nagpapakasal at may tumatandang dalaga.

Nandito ako ngayon sa subdibisyon namin naglalakad lakad.

Ang sarap lang ng hangin.

Wala akong trabaho ngayon may binigay saking two days leave dahil na rin sa pagkakabugbog ko pero okay nanaman ako kaya ayos na sa aking maglakad lakad.

Hays..

Ang bilis ng panahon parang kelan lang maid lang ako nung Frio na yun pero ngayon engage na sya.

Dapat talaga nag madre----eh? What the??? who the hell are you??

Wala akong makita, may nagtakip sa akin ng itim na sako sa mismong ulo ko at may kung sinong humahatak sa akin.

F*!Sino ang pangahas na yun?

                           ❤❤❤❤

"Hoy sino kang hayop ka pakawalan mo ko! "Inis na sigaw ko habang nagpupumiglas.

May naramdaman nalang akong nagtatali sa paa at kamay ko kahit nagpupumiglas ako.

The heck? Sinong gagong kidnapper ang may gawa nito?

Walang nagsasalita hanggang sa buksan na nito ang sako na nakataklob sa ulo ko.

Pawis na pawis ako, at napakunot noo pa ako ng purong itim ang mukha nito he was in masked.

"Mamaya lang hindi kana aabutin ng buhay dito? "Sabad nya pa sabay tawa.

"Hmmmm.. Hmmmmm"

Rinig ko sa may gilid ko.

Posible kayang may kasama pa ako dito?

Tumingin ako sa gilid ko at tama nga.

May nakagapos na isang lalaki habang takip ng itim na sako ang kanyang mukha.

"Pakawalan mo kami! Hayop ka! "Gigil na sabi ko pero wala itong paki habang naghahasa ng patalim.

"Ayos ka lang ba sir? "Tanong ko dun sa nakatakip na lalaki sa tabi ko.

Nakaramdam ako bigla ng awa ng napahiga na ito.

Buti nalang talaga lagi kong dala ang improvise knife ko kaya mabilis kong naputol ang tali ng lubid sa kamay ko. Pasimple pa akong lumuhod para maalis ko rin ang tali roon patalikod.

OPERATION:TAMING MR TIGERWhere stories live. Discover now