Chapter 6: His wife's tears

1.7K 50 3
                                    

3:09 pm

GABRIELLE stared at her new bank account using her phone. She succeeded retrieving her old bank accounts and the money in it was enough for her to start something new.

Even if she is Yveo's legal wife hindi niya gustong maging dependent kay Yveo.

Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Noong hindi niya pa naalala ang lahat she wanted a divorce so badly that she even tried to jump in the bridge just to threaten him, but now she could never mention that word to Yveo again.

Bakit pa? The world is a scary place, you'd never survive alone.

Even if she don't want to depend on Yveo, she still found herself safe and secured knowing she had someone powerful behind her back that is why she'd do anything to gain his trust.

She wanted to be someone that could perfectly match with Yveo at hindi yun ganun kadali. There are a lot of people who wanted her out of the picture.

His parents and all of his relatives never liked her, they are the ones who pressured her to divorce him but she would never do that.

Gabrielle sighed as she looked outside the car, buti na lang pinayagan siya ni Yveo na umalis after they had lunch, pero hindi na siya nakapag paalam pa na gusto niyang umalis ng mag isa nang walang kasamang bodyguards at driver.

Agad siyang lumabas sa sasakyan nang makita niya si Jana naghihintay sa labas ng gate sa sementeryo.

"Jana!"

"Hi po Ate Gab." Bati ng dalaga.

"Pasensya ka na ha, na isturbo pa kita." Paumanhin niya kay Jana, tinext niya kasi si Nanay Liz para humingi ng address sa sementeryong to at para na rin humingi ng pabor na magpasama kay Jana, mabuti na lang at saturday ngayun.

"Naku, okay lang po Ate Gab. Malaki kaya ang utang na loob namin sa inyo ng Mommy mo. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakapag College at noong nagkasakit si tatay, kayo din ang tumulong para mapagamot siya."

Gabrielle's Mom helped her get a scholarship from one of her close friend's foundation kaya ganito na lang ang pasasalamat nila.

"Hali ka po, ituturo ko sa inyo ang daan."

"Thank you. Kamusta ka na ba? Gagraduate ka na diba?"

"Okay lang po ako at opo last semester ko na sa College." Sambit ni Jana habang naglalakad sila.

"Mabuti naman, congrats!"

"Thank you po."

After 10 minutes of walking nakarating din sila sa puntod ng Mommy niya.

"Ayan po, hindi naman po to ganun kalayo sa gate at hindi din gaano kahirap maalala ang daan."

Huminga ng malalim si Gabrielle at ngumiti. "Salamat Jana."

"Walang anuman po. Hihintayin ko po kayo sa labas ng gate."

"No need Jana, kaya ko ng umalis dito ng mag isa. Malaking tulong na tong pagturo mo sakin kaya hindi na kita aabalahin pa."

"Sigurado po kayo Ate Gab?"

Tumango lang si Gabrielle at ngumiti. "Hmm. Text mo din ako pag may kailangan ka, ako naman ang tutulong sayo."

Tumawa lang si Jana ng mahina at ngumiti sa babaeng kaharap. "Hindi na po kailangan Ate Gab, kunting pabor lang naman tong pagsama ko sa inyo dito eh."

"Salamat."

Hindi nagtagal napapayag na din niya si Jana na iwan siya. Agad ding lumapit si Gabrielle sa puntod ng Mommy niya at inalis ang mga dahon sa puntod.

"Mommy nandito na ako." Mahinang sambit niya at ngumiti ng mapakla habang nakatingin sa puntod.

Married to The Ruthless MagnateWhere stories live. Discover now