Chapter 2

36 4 2
                                    

Azame POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Azame POV.

"Ahmmm Hello hehehe. I'm Azame" sabi ko "and ito naman si Ayame" turo ko sa kakambal ko.

"I see. Pwede ko na ba kayong maging kaibigan? Hehehe" nakangiting sabi nya

"Ayhaha Oo sige" natatawang sabi ko.

"Wala kasi akung kakilala sa room nato. Yung ate ko nasa kabilang classroom. Old student ako pero hindi ako friendly." Nakangiting sabi nya. Nginitian ko na lang din sya.

Ilang saglit lang ay dumating yung adviser namin.

Ayame POV.

"Goodmorning class. Bumalik uli ako dito dahil nakalimutan ko kaninang ipa introduce ang mga sarili nyo. Okay magstart tayo sa likuran" tinuro ako nung guro at pinatayo."teka hindi ko ata kayo nakita kaninang tatlo sa umaga?"

"Sorry maam. I'm late" sabi nung stacie

"Okay then kayong dalawa?" Tanong nung guro samin

"May nangyari lang kaninang hindi maganda miss." Sabi ni zam at nagtawanan ang mga kaklase namin.

"Okay. Sige simulan mo na ang pagpapakilala" sabi nung teacher sakin.

Tumayo ako sa upuan ko "Hi my name is Aarohi Ayame Kelly" pagpapakilala ko

"I'm Aashi Azame Kelly. We're twins" sabi ni zam.

"Hi everyone. Alam kung kilala na ako ng iba dito pero alam ko ring hindi pa ako kilala ng iba kaya magpapakilala na ako hahahaha. My name is Stacie..."  sabi nya marami pa syang sinasabi at hindi nako nakinig pa. Unang araw nga pala ngayon ng klase kaya puro pagpapakilala lang.

Nang matapos ang dalawang oras na naka upo ay sa wakas lunch time na.

"Hey twins. Sabay na tayong maglunch?" Yaya ni stacie

"Sure," sabay na sagot namin ni zam

"Hahaha angkyut" tawa nya at nagkwentohan sila ni zam habang papunta kami sa canteen. Nasa likuran lang nila ako.

"Orderan mo na lang din ako zam. Hintayin ko na lang kayo dito." Sabi ko at tumango lang sya. Umupo lang ako at nilagay ang ulo sa lamesa. Hayss

Ilang sandali lang ay may nangyari ng gulo sa counter. Hmmm?

Pumunta ako dun at tiningnan anong nangyari. Nakita ko sa sahig si stacie at zam. Habang sa harap naman nila yung sina Sam,nikki at lorraine. Tinulungan kung tumayo ang dalawa. Gulat naman na tiningnan ako nung tatlo.

"Magkakambal ka--ka..kayo?" Gulat na tanong nung lorraine

"Diba obvious?" Sarkastikong sabi ko sa kanya. "Sa susunod na makita kung saktan mo to" turo ko kay zam "sisiguradohin kung hindi mo magugustohan ang gagawin ko." Sabi ko.

My Favorite SecretWhere stories live. Discover now