Chapter 01

64 11 2
                                    

××CHAPTER_01××

Jenina's POV

Room. Diyan ako nakatambay ngayon. Nakatambay lang. Walang klase eh. Wala din akong kasama. Mag isa lang ako. Lahat kase sila nasa lab---

“Jenjen!” Sigaw ng hinayupak na may lahing dimunyu, at mukhang tuko na nagngangalang Jayden.

Kakasabing mag isa lang ako dito eh.

Tinignan ko siya ng masama. “Ano nanaman ba?!” Sigaw ko sa kanya. Yung may kasamang matatalim na tingin para damang dama.

San ba kase pwedeng magpakabit ng laser sa mata? Para lahat ng tititigan ko matusta.

Sabihin niyo lang kung may alam kayo.

“Sungit! Hinahanap ka ng mga kasama no sa cheerleading, kaso mukhang ayaw mo naman kaya sasabihin ko na lang na busy---”

“Hoy hindi ah! Wala nga akong gigawa eh. Laking pasasalamat ko ngang dumating ka para tawagin ako eh. Saan ba? Sa gymnasium ba? Nag start na ba sila? Kumpleto na? Ba't ngayon mo lang ako tinawag? Practice ba? O meeting lang? May bagong routine daw ba? Andun na ba si Miss President ng Cheerleading Club? Ano? Sumagot ka!” Kahit kelan talaga lakas maka-badtrip ne'tong hayop na 'to.

Matapos akong bulabugin dito sa room, tutungangaan lang ako?!

“Hehe.” Anong nakakatawa aber? Tinignan ko siya ng masama. Nababaliw na ba 'to? Tumawa daw ba ng walang dahilan?

Napakamot siya sa batok. “Ikaw kasi eh. Matapos mo kong sungitan, nung sinabi kong tungkol sa cheerleading bigla ka na lang naging hyper diyan.” Ganun? Masyado bang obvious na gusto ko talaga ang chearleading?

Ay hindi! Hindi halata.

Sino ba namang aayaw sa chearleading? Kabuntot kami ng basketball players lagi 'no. Bukod kase sa madaming gwapo dun, madami talagang gwapo dun at sobrang dami talagang gwapo dun.

“Hmmmm. Kainis ka! Tara na nga!” Niyaya ko siyang lumab--- Este kinaladkad ko pala siya palabas.

Hila lang...

Hila...

Hila...

Lakad...

Hila...

Lakad...

Lakad...

“Te- Teka nam- man!” Woah! Mukha kase siyang--- narape! Wahahahahahahahahaha! Epic 'to! Epic 'to! (Click) Mapost nga mamaya. (Evil Laugh) Kaso habang tumatawa ako ng palihim, biglang naglaho ang cellphone ko sa kamay ko.

Wow! Magic!

Ayt! 'Kala ko magic kinuha lang pala ni Jayden. Haaaaa--- Kinuha ni Jayden?!

Ay, hindi?

Nagulat naman siya nung nakita niya yung itsura niya. Magulo yung buhok, gusot gusot yung damit, isama niyo pa yung pulam-pula niyang mukha.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!” Kaloka! Sige lang takbo lang Jenjen, takasan mo siya, kundi, lagot ka sa kanya. Pwede bang pasigaw sa isip? Waaaaaaaaaah!

“Jenjen! Bumalik ka dito!” Lagot!

Napapala ng babaeng baliw.

I'll Fight For YouWhere stories live. Discover now