Chapter 04

17 3 3
                                    

CHAPTER_04

Jenina's POV

Ano kayang nangyari dun? Dalawang araw na ang lumipas after nung nangyare sa cafeteria. Dalawang araw na rin siyang hindi pumapasok.

Si Wren.

Ano kayang nangyare sa kanya?

Bakit nagkaganun siya?

Ayaw namang sabihin samin ni Yxia yung dahilan.

Today is Saturday.

Walang pasok.

Boring.

Walang magawa dito sa bahay.

Wala akong kasama bukod sa mga maids.

Si Mommy kase, ayun! Sinundan si Daddy sa Japan para tulungan siya sa office works niya. Para daw makauwi siya next week.

Ayain mo kayang lumabas si Jayden?

Pwede naman. Kaso baka ma-istorbo ko siya. Nakakahiya naman kila Tita Lyn(Mommy ni Jayden) Lagi na lang si Jayden ang niyayaya ko pag weekend.

Mag-mall na lang kaya ako mag isa?

(---)(---)(---)

Wearing a jeans and a violet blouse with a pair of violet sneakers for the shoes, eto ako nasa Mall na.

Gusto ko ng...

Cotton Candy!

Kaso baka tumaba ako, diet pa naman ako. Maglalakad na sana ako papaunta sa department store ng may makita akong bata, na may hawak na cotton candy.

Waaaaaaaahhh! Naaakit ako! (^_^)

Di naman siguro nakakataba ang cotton candy diba?

Ayun! Ayun yung stall ng cotton candy! (^v^)

“Ate, isa nga pooooo!” Sabi ko dun sa nagtitinda sabay turo dun sa pinakamalaking size na nasa choices na naka-paskil dun sa tabi ng counter mismo.

“Anong kulay ang gusto mo Ma'am?” Waaahh! Pwede pala mamili ng kulay! Sabi ni Jayden noon hindi, kaya nga pink yung binili niya nung inutusan ko siya noon eh! Loko talaga yun!

“Violet po Ate.” Nakangiting sagot ko sa kanya.

May sinabi siya dun sa kasama niya... Na mukhang assistant pala. Saka niya ako hinarap ulit.

“Wala kang kasama 'deng?” Tanong niya sakin.

“Wala po eh.”

“Uso na ba mag solo ngayon? Haha!” Mukhang ilang taon lang ang tanda sakin ni Ate.

Di ako sumagot kaya nagsalita ulit siya. “May lalaki kase kanina, nakita kong naglalakad din mag isa. Mukhang wala ding masama. Walang kasama, eh, ang gwaaapppoo!” Wew?!

“Ay! Hehe!”

Yung cotton candy ko Ate?

I'll Fight For YouWhere stories live. Discover now