Chapter 02

26 8 0
                                    

CHAPTER_02

Jenina's POV

“Ayaw.” Sagot ko kay Mommy habang naka-pout. Kanina pa niya ko niyayayang kumain, kaso ayaw, ayaw, ayaw. Ayaw ko kumain! Magda-diet na ako!

“Bakit ba bigla kang na-conscious diyan sa katawan mo anak? May crush ka na 'no?” Nakakaloko yung ngiti ni Mommy habang sinasabi yun.

Opo Mommy, may crush ako. Kaso may GF na siya, wala na 'kong pag-asa (T_T)

“Hmmmm. Wala po ah! Wala akong crush. Naiingit lang kase ako dun sa mga kaklase ko, pag naka-fitted na dress sila, may shape yung katawan nila, ako wala! Kaya kahit among gawin mo Mommy, no, no, no. HIN.DI.A.KO.KA.KA.IN. Diet ako!” I heard Mommy chuckled.

“Bahala ka, pag di ka kumain, sasabihin ko sa Daddy mo na wag muna umuwi.” Dinig kong sabi niya saka binuksan yung pinto ng kuwarto ko.

Uuwi si Daddy?! Kumain ka na!

Ayaw! Pero miss na miss na miss na miss ko na si Daddy ko!

Tumakbo agad ako pababa papunta sa dining area at umupo sa puwesto ko. Nagulat si Mommy sa inasal ko pero dedma ako. Kumuha agad ako ng rice, pork adobo, fried chicken and chopsuey tapos pinuno ko ng pagkain yung bibig ko.

(Choke!) (Choke!) (Choke!)

Inoooooooooommmm ng tuuuubbbiiigg!

“Mo-Mommy, pa-pa-pauwiin mo si Daddy ah?”

(---)(---)(---)

Nakakainis! Ayoko sanang pumasok ngayon eh. Kaklase ko kase si EX-CRUSH! Di pa naman nag-start ang klase, di ko pa rin siya nahahahilap dito sa room pati yung GF niya. Oo, yung GF niya, classmate ko nga. Tama nga si Jayden.

Nandito sa Section B yung GF niya. Kaya pala familiar sa'kin kahapon. Nung nakita ko kase yung kabuuan ng mukha niya kahapon, naalala ko bigla.

Yxia Kharil Monteverde! Yan yung pangalan. Matalino, maganda, sexy, maputi, simple, maamo yung mukha, mahaba ang buhok na plain black lang, walang kolorete ang mukha, at higit sa lahat MABAIT. Siya yung gustong makipagkaibigan sa'kin nung first day of class pero nasungitan ko.

Nasungitan? O sinungitan talaga?

Nasungitan. Badtrip kase ako nung first day. Bakit? KULANG KASE AKO SA TULOG!

“Oiy! Kanina ka pa?” Napalingon ako sa nagsalita. Si Jayden pala.

“Kanina lang. Nakausap mo na yung bago? Wag ka papayag maagawan ng posisyon nun sa pagiging captain mo sa basketball ah?” Parang naguluhan naman siya sa sinabi ko.

“Ah, eh, ano, oo naman! Mas magaling ako dun no! Kahit pa dati siyang captain ng team nila sa dati niyang school.” Sagot niya habang naka-kamot sa batok.

“Dito ka.” Patukoy ko sa upuan sa tabi ko. Wala kase akong katabi. Dun nakaupo si Jayden sa tabi ni Yxia.

“Magagalit si Dave. Hehe!” Yung teacher na yun. Nakakainis! Laging nagagalit pag may lumilipat ng upuan. Ia-absent daw niya.

I'll Fight For YouWhere stories live. Discover now