Kabanata 7

2.1K 39 5
                                    

After 5 hours at dreamless sleep ko, nakarating na rin kami sa Zambales.

Gabi na nung pagbaba ko sa bus at pagpunta sa isang cottage for rent establishment na malapit sa beach. Hopefully meron pa silang for rent kasi wala ako reservation. September naman ngayon so hindi siguro punuan. Hindi pa naman peak season. Pero we'll see. Tignan natin kung hanggang saan aabutin ang luck ko ngayong araw. Pumasok ako agad sa veranda patungo sa concierge at isang binatilyo ang bumati saakin.

"Isang cottage po, overnight for two days. " Ang bungad ko.

Tumingin siya saakin at napa purse ng lips habang kumukunot ang noo na para bang may problema.

"Ano yun? " Ang tanong ko sakanya.

"Umm, mam kasi wala na pong available. Rineserve po kas.. " Hindi siya nakatapos dahil may matandang babaeng humila sa kanya sa gilid.

Weird.

Nagusap sila ng mahina na para bang may pinagtataluhan sabay punta saakin nang matanda. Ngumiti at nagtanong, "uh, iha, hanggang bukas ka lang ba?"

"Ngayong gabi at buong araw po hanggang gabi bukas ang kukunin ko. Sa isang araw po ako ng umaga aalis. "

"Ano ang ipangbabayad mo, nak? "

"Cash po. Babayaran ko na po kayo full ngayon pag may mabibigay kayo na cottage."

"ahh osige sige." Tumalikod siya at naghanap ng susi sa lalagyan. Nang may nakuha na siya ay binigay niya saakin ang susing may nakalagay na number 2 sa taas. " O ayan anak. 2,000 per night dito. Dahil 2 nights ka, 4,000 ang bayad. " Medyo mahal pala ang singil nila considering wala pa siyang food na kasama. Pero okay na ako dun basta may matutuluyan.

"Okay po. " Kinuha ko ang 4,000 sa wallet ko at ibinigay sakanya.

"O sige anak, ihahatid ka ng apo ko sa cottage mo. Have fun." Ang sabi niya sabay upo at basa sa dyaryo.

Tumingin ako sa apo niya na sinenyasan ako sumunod sakanya. Lumabas kami sa lobby at patungo sa garden nilang nakakamangha. Puno ng bulaklak at ilaw ang labas na para bang nasa paraiso ka. Dito din naka scatter ang cottages. Sa nakikita ko halos may 10 sila dito. 3 sa nadaanan namin ay reserved. Pag dating namin sa number 2 ay nakita kong may naka paskil ding reserved.

"Umm, reserved naman ito? " Ang sabi ko ng patanong habang tinuturo ang nakapaskil na reserved.

"Ay mam, wala po yan. Ha ha ha" Ang sabi niya na para bang pinagpapawisan.

"O-kay. Sabi mo yan haa." Ang sabi ko. "Sige, salamat sa paghatid."

Pumasok ako sa cottage at nagulat ako na mukhang malaki pala sa loob. May cr na de-bath tub at may shower din naman. Meron ding malaking kama sa loob at couch. Wala lang kitchen kasi may sarili daw silang canteen dito kung saan pwede kumain ang mga customers.

Hmm, I can get used to this.

For a day, that is.

Oo, tomorrow tatanggalin ko na ang good girl Angel at magsasaya ako.

My last day.

Yes, napag isip isip ko na hindi ko kaya bumalik. Yung kahihiyan na haharapin ko na nacancel ang kasal namin, na iniwan ako. Yung sakit na mararamdaman ko pag nakita ko sila na magkasama. Higit sa lahat, ano na mangyayari? Ayoko na harapin silang dalawa, takot ako. Takot ako na baka may magawa akong hindi maganda.

Pag naalala ko kasi sila nandidilim ang paningin ko sa galit. Sa betrayal.

Kaya mas maganda pang ako nalang mawala. Pero syempre bago yun. Magpapakasarap muna ako ng isang araw.

Isang araw na walang negative. Ilalabas ko ang carefree na Angel na hindi nagpakita simula pa nuon.

I deserve this.

Kahit last day ko na bukas.

✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon