Kabanata 33

1.3K 25 0
                                    

"So we wanted a French themed wedding because of our love for romance and wouldn't it be also beneficial for us to advertise our restaurant?  Diba dad?" Nina smiled sickly sweet, looking at her dad then to us. 

Pagkatapos niya sabihin saakin na taste testing ngayon ay tinawagan niya na si papa, tito at tita para sa "good news". Syempre kahit hindi maganda ang ginawa ni Nina ay kaylangan parin maging supportive ng mga magulang niya kaya naman cinongratulate nila ang couple pag dating dito.  Ngunit nakikita ko rin naman sila na tumitingin tingin saakin,  as if asking kung okay lang ako. I couldn't look at them too long kasi syempre kahit na I'm trying to move on kay Gerard, masakit parin saakin ang mga nangyayari, especially when they're shoving it right to my face na una,  tuloy ang kasal nila at pangalawa,  na kayang kaya ni Nina agawin ang pangarap kong kasal.  Well,  she even stole my fiance. To be honest, I'm surprised na may ganitong trait si Gerard. I thought he loved his peace, but apparently not.

Sobrang thankful lang ako na pagdating ni papa ay saakin siya agad dumiretsyo at para hindi siya magmake ng scene ay tinanong na muna niya ako kung okay lang ba saakin ang mga nangyayari.  I just told him na andyan na, wala na kami magagawa.  Hindi din naman makakatulong pag gumawa kami scandal dito which it very true - bad publicity sa restaurant and sa character namin as civil people.  

Kaya we just decided to stay quiet, dedma - more or less just existing in the place.  Halata naman sa lack of comment at hindi pag smile niya na naiinis siya sa sitwasyon.  I looked around at nakita ko rin ang dismaya ng mga employees sa mga nangyayari.  Alam naman kasi ng lahat na ikakasal ako dapat kay Gerard.  Kaya ang nangyari tuloy ay napaka awkward ng lugar. Na para bang walang gusto mag congratulate sa dalawa - even Gerard is not speaking.

But what's done is done.  Wala na tayo mababago dun.  Hindi ko lang maintindihan kung bakit tingin ng tingin saakin si Gerard. It's not right and is very awkward.

After ni Nina mag "speech", mostly about the Paris wedding and the food that she made the chefs cook, she went to the kitchen with Gerard, leaving me, dad, Nina's parents and a few employees na nagcacater saamin.

"Tulungan niyo muna si Nina sa kitchen." Sabi ni Tito sa mga nakatayo na empployees sa tabi namin.

Pagkatapos nila umalis ay tumingin saakin sila Tito at Tita with faces of worry.

"Ange, I'm really sorry about what happened." Sabi ni Tita na parang naiiyak.

"Hindi talaga namin alam kung ano talaga ang nangyari. One day we're excited about your we..." Naputol ang sinasabi ni Tito ng umubo ng onti si Papa. Tumingin siya at binago ang sinabi, "tapos ayun. Ayaw naman namin kampihan ang anak namin sa ginawa niya pero please understand na mga magulang din kami and we can't just throw our only daughter away."

"Ang mali ay kahit balik baliktarin ay mali parin." Sabi ni Papa na nagsisimula nang magalit.

Tinignan ko silang tatlo na ngayon ko lang nakitang hindi maganda ang loob sa isa't isa, well more of my dad's anger syempre. Hindi ko gusto ang pagiging supportive nila kay Nina, especially by what she did pero at the same time alam ko rin naman na only child siya. Kaya naman naiintindihan ko rin ang concern nila.

"Wag na po tayo magaway. Hindi pa ako masyadong okay sa nangyayari pero naiintindihan ko naman kayo bilang mga magulang ni Nina." Tinignan ko sila isa't isa at ngumiti. "So.." Bago pa ako makapagsimula ng ice breaker ay may nauna na saakin - sabay pa.

Bumukas ang pinto at pumasok si Nickko with his signature work look - dashing suit and tie. Hinanap niya ako at ngumiti saakin.

and at the same time,

Lumabas naman si Nina and Gerard sa kitchen followed by our waiters with trays of taste testers. Bago pa man sila makaabot sa table ay binanggit ni Nina, "Ni-Nickko?"

And right then and there, Nickko broke our eye contact and looked at her.

I would like to say na kung may karapatan ako magselos ay magseselos na ako pero sino ba linoloko ko? Syempre nagseselos ako.

✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang