26 maybe we're not meant to be

22 3 2
                                    

Oreo's Point of View

(A week later)

Oreo:Sweetypie,mag-kaayos na tayo pls.

Oreo:I miss you.

Oreo:I know,its too hard to accept Steph.
Let's talk about this.

Oreo:Tingin ko naman,maayos pa natin yo diba?

Oreo:Please kausapin mo na ako :(

Oreo:Answer my calls,sweetypie

Oreo:Please kahit 5 minutes lang.

Oreo:Sige kahit isang reply lang.I beg you,Im going crazy here.

Oreo:Happy weeksary sweetypie,
Im willing to have an infinity weeksaries
with you.Always remember I love you.

Isang linggo kung tinadtad ang inbox niya.Puro pagso-sorry ang laman ng halos karamihan dun.

Napatitig ako sa kisame at umaasang tumunog ang messesnger ko at magreply siya pero wala.Isang linggo narin yata akong ganito.

Magmula nun,ay umalis na sila ni tito Stephen sa bahay.Bumalik kami sa dati ngunit nakakapanibago.

Walang Stephy na makulit.
Walang Stephy na maingay.
Wala nang Stephy na mahal ko.

Magmula rin nang araw na iyon ay hindi na ako naka-recieve ng message o balita manlang sakanya.Sinubukan kong puntahan siya sa bahay nila ngunit pinakiusapan ako ni tito Stephen na hayaan muna si Stephy na makapag-isip.

Isang linngo na rin akong nagsasawa sa kakarinig ng mga katok nila sa pintuan ko.Isang beses lang ako kumain sa isang araw at kung minsan ay hindi pa.Labis na ang pag-aalala ng mga magulang ko ngunit sadyang hindi ako makakilos ng maayos ngayon.

Sana,sana kahit isang balita lang kay Stephy ang matanggap ko ngayon,siguro ay magkakaroon ako ng ganang magpatuloy pa sa buhay.

Na-realize ko na ganito na pala kalalim ang nararamdaman ko.At kung may lalalim pa dito,hindi ko na alam kung pano pa ako makakawala.

Biglang nabuhay ang sistema ko nang narinig ko ang ringtone ng cellphone ko.Sa kamalas-malasan,hindi ko alam kung saan ko nilagay ang phibe ko kaya't ainundan ko nalang kung saan nanggagaling ang tunog

'We're going on a trip in our favorite rocketship,launching through the sky,little einstein.'.

Nahanap ko na sa wakas ang phone ko malapit sa aparador kung saan ako umupo kanina.

Calling Sweetypie...

Halos magkada-unahan ang pagtibok ng puso ko nang magsalita siya.

"Oreo..."

Napakaraming salita ang guato kong sabihin.Maraming emoayin ang kailangan kong ipahiwatig.Narito na chansa ko,pero bakit ngayon ay tila napipi yata ako.

"Magkita tayo,fiahball stand ni manong 6:00 pm."

"Uh...Ah,--Okay.See you there.I love you."napapikit ako sa kaba.

TEMPORARY LIVING WITH THE MONSTERWhere stories live. Discover now