7

5.3K 133 6
                                    

"Lita, Aida ilabas na ang mga pagkain" tawag niya sa mga kasambahay.. "It's nice to see you again, Apo" her gazed is directed at me and she hold my hand.

"Kamusta ang pagiging asawa?" she asked as we stop on the chairs in front of us. "Okay lang po, Lola" saad ko. "Naku. Paanong okay lang? Di ka ba inaalagaan ni Kiel" taas kilay na siya ngayon

"Inaalagaan po" agaran kong sagot.. "Kiel" tawag ng baritong boses napabaling naman kami doon ang Lolo niya. "Marcial, halika na at para makakain na ang mga apo natin" tawag ng asawa niya

Lumapit ako para magmano.

"Ito ba talaga ang asawa mo, Kiel? Hanggang ngayon di ako makapaniwala" nakangising saad niya. "Ikaw talaga Marcial" sita ng asawa niya

"Napaka bata mo kasi hija. Di ka man lang nag explore siguro noh? Itinali ka ba nitong Apo namin kaya wala ka ng kawala?" umiling iling ako.

"Hindi po" saad ko. "Siya po yung babaeng sinabuyan ako ng tubig Lolo" sabat ni Kiel at tumawa. Nagkanda ubo-ubo naman ang Lolo niya at tinignan ako ng Lola niya. Di ko mapigilang sipain sa ilalim si Kiel sa ginawa niya. Balak ba niya ba talaga akong ipahiya dito. "Ikaw yun, hija?" tanong ng Lola niya. Nahihiya akong tumango.

Humagalpak namang tumawa ang Lolo niya at inabutan iyon ng tubig ng Lola niya. "Hindi ako makapaniwala" halos di mawala ang ngisi sa labi ng Lolo niya. "Pinikot ka ba ng Apo namin, Hija? Sabihin mo lang at aaksyonan namin" tumindig ang balahibo ko sa sinabi ng Lola niya.

"Lola" si Kiel at sinulyapan pa ako. "Tumigil ka. Pinikot mo tong asawa mo kaya ang bata bata pa nagpakasal na sayo" sigaw ni Lola

"Kumalma po kayo. Hindi po ako pinikot ni Kiel" saad ko na nakalabi. "Totoo ba yan, Hija? talagang malilintikan tong Apo namin" saad naman ng Lolo niya. "Opo." ngumisi ako.

"Jusko. Marcial pag nalaman kong ng pikot tong Apo natin aatakihin ako" madramang saad ng Lola niya.

"Lola, naman di ko yun gagawin. Baka ako pa bga ang pikotin eh" nakangising saad ni Kiel at kumindat sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung ganun. Kamusta naman sa bahay ng Apo ko? Sino ang nagluluto?" baling sa akin ng Lola niya

"Si Kiel po. Di pa kasi ako marunong magluto" medyo nahihiya kong sabi. "Ganun ba. Dalas dalasan niyo ang pagpunta dito Hijo ako ang magtuturo sa asawa mo" nakangiti na siya ng maluwag ngayon.

"Naku po, La. Wag na. Nakakaabala yun" saad ko at nahihiyang umiling. "Ano ka ba. wala akong ginagawa masyado. I take no for an answer" she smiled. Ngumiti ako at tumango.

"Wala pa bang bata dyan?" muntik na akong mapaatras ng hawakan ng Lola niya ang tyan ko

"Lola" sita ni Kiel dito. "Ano? Kiel naman alam mo namang gusto na namin ng Lolo mo may apo sa tuhod." lumungkot pa ang kanyang mukha mas lalo tuloy nakita ang wrinkles niya.

"Wala pa, La. Bata pa si Lauren gusto ko muna siyang ma enjoy" nakangising aso niyang sabi. Tumikhim naman ang Lolo niya at ngumisi para bang nagkakaintindihan sila.

"Ganun din ako sa Lola mo Apo" sabay apir nila. "Ilang taon ka na ba Hija?" tanong ng Lolo nito

"21 po" sagot ko. "21 e ka bata bata pa talaga. Itong si Kiel 27 na" aniya at binaling si Kiel. "25 pa lang lo" pagtatama niya rito. "Ayy pasensya na apo" tumawa ang Lolo niya.

"Talagang dapat niyo munang e enjoy. Itong si Kiel nag-iipon pa hija para sa simbahang kasalan niyo" saad naman ng Lola niya

"Victoria" pigil ng asawa niya. "Yun ay kung hindi kayo maghihiwalay" dagdag pa ng lola niya. Parang ng asim ang mukha ko sa sinabi niya. Ayoko nga. Tinignan ko si Kiel at sa akin din ang tingin

"Di ko yun hahayaan Lola" si Kiel

"Mabuti. Maglalaro tayo ng chess mamaya apo at magpustahan tayo." saad ng Lolo niya. Tumango lang siya rito. Nagpatuloy kami sa kainan.
Naging comfortable naman ako kalaunan.

Inilibot ako ni Lola Victoria sabi niya yung mga anak niya nagtitipon pag pasko nandito lahat.  "Napaka swerte ng apo ko dahil ikaw ang asawa niya" nakangiting saad ni Lola

"Po? Ako po ata ang swerte Lola. Ang dami ko pang kailangan matutunan" nahihiya kong sabi. Tumango tango siya "May tree house kami dati rito" aniya. Tinignan ko ang malaking puno.

"Pero nasira na din kalaunan. Dito sa puno nato madalas si Kiel. Minsan lang kasi niya nakakasama ang mga pinsan niya. Madalas kami lang ng Lolo niya ang kalaro niya. Delikdo din kong lumabas siyang mag-isa"

"Oo nga po. Nakwento niya" nakangiti kong sabi

"Kiel, is a man of principle hija. Lagi niyang sinasabi sa akin noon na lahat ng magiging kanya sisiguraduhin niyang napaghirapan niya" anito

"Halata po sa kanya, Lola" nakangisi kong sabi. "Kaya yang pagpapakasal niyo sa simbahan sigurado akong pinag-iipunan niya ng husto" ngumiti siya sa akin at inabot ang kamay ko.

"Ikaw lang ang kauna-unahang babaeng pinakilala niya sa amin. Alam mo ba yun?" Talaga? Hindi halata. Maraming babae si Kiel na nakakasama dati.

Umiling ako.

"Tinanong si Kiel ng Lolo niya tandang tanda ko pa 5years ago ng bumisita siya rito. Bakit daw wala pa siyang girlfriend na naipakikilala. Tanging sagot lang niya hindi pa daw tapos mag-aral"

Sino kaya yun? Bakit hindi sila ni Kiel kung ganun.

"Wala pa bang sekretong sinasabi sayo ang apo ko?" tanong niya rito. "Tungkol po saan?" nagtataka kong sabi. "Wala pa nga yata. Sana naman hindi ako maghihintay ng tatlong taon para magka apo na sa tuhod" tumatawa niyang sabi.

"Handa ka na bang magka anak, Hija?" tanong niyang bigla. "Kung okay na po si Kiel" nahihiya kong sabi. Niyakap niya ako.

"Wag na wag kang bibitaw sa asawa mo. Maganda lang sa umpisa pero marami pa kayong pagdadaanan" aniya

Tumango ako at ngumiti.

Bumalik kami sa kina Kiel at naglalaro na sila ngayon ng Chess. Tumabi ako kay Kiel at umalis naman saglit si Lola Victoria para maihanda ang dessert.

"Ano Kiel? magpapatalo ka?" nakangising saad ng Lolo niya. "Ikaw ang matatalo, Lolo" confident niyang saad dito. "Hija, pag natalo itong si Kiel di kayo magkikita ng isang linggo" nakangising saad ng Lolo niya. "Po?" nalulungkot kong sabi.

"Hahaha. Tignan mo ang asawa mo Kiel halata sa mukha ang pagkalungkot" mabilis akong tinignan ni Kiel at ngumuso ako. "Hindi ako magpapatalo, Lolo" iiling iling niyang sabi

"Tignan natin" aniya

Dumating ang Lola ni Kiel na may dalang cake kaya mabilis ko siyang nilapitan. "Pinipikon na naman ba ng Lolo niya?" tanong niya "Mukhang hindi naman po" sagot ko

"Matinik kasi itong si Marcial makipaglaro. Pipikonin niya ang apo niya hanggang sa sumuko buti nalang napakataas ng pasensya"

"Halata naman po" nakangisi kong sabi. "Naku. Kukuha pala ako ng prutas nalang para kay Kiel di pa naman mahilig sa matatamis" bumalik sa loob ang lola niya.

Tama nga. Di nga niya tinikman yun cookies ko dati.

His Brat Wife (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat