24

9.9K 211 31
                                    

Today is our wedding day.  Hindi ko alam kong nakatulog ba ako or pumikit lang. Kasama ko dito sa kwarto si Katie.  Habang yung ibang bridesmaid nasa kabilang kwarto.

I had a few drinks with my friends last night but Kiel won't stop texting me kaya sa kanya parin natuon ang atensyon ko.

Binuksan ko ang message ni kiel and I smiled.

Dadi❤️:

Hey, baby! Nakatulog naman ako pero maaga akong nagising. How about you? Did you sleep well? I can't wait to see you with your dream wedding gown. I love you! 😘

Me:

I don't know if I did slept. But I can't wait to see you too Dadi Kiel! I love you! 😘

Nagpahatid ako ng breakfast. My wedding will be at 10am today. Gumising na rin si Katie at sinabayan ako sa pagkain.

"Omy gash! I can't wait to wear my gown, Lauren." anito

"Kaya halos hindi mo galawin yang rice mo." natatawa kong sabi

"Duh. Dapat maganda ako for sure magaganda at gwapo ang angkan ni Kiel noh malay mo andun na destiny ko and I will be the next beautiful bride you'll ever see" she said dreamily.

"Well, baka nga. Alam mo ba kung sino ang bestman ni Kiel?". nakangisi kong sabi

"Sino? nakalimutan ko na yung mga barkada niyang lalaki eh" anito

"Si Tyson Saldivar!"

"What? Seryoso ka ba? Si Papa Tyson?"

Tumango tango ako.

"Oo!" sabay ngisi ko

"Omgg. Dapat talaga pagandahin ako ng make up artist mo, Lauren kundi malalagot sila sa akin!" anito

Kung crush ko dati si Kiel crush naman ni Katie si Tyson pero hindi niya masyadong sineryoso dahil matanda nga sila sa amin ng ilang taon.

"Single pa kaya si Papa T ko?" anito

I shrugged

"I think so. Pero feeling ko type niya si Chef eh" saad ko

"Sinong chef?" lumungkot ang mukha niya. "Baka mas maganda sa akin yun. Talo na ako." nag pout pa nitong sabi.

"Grabe ka naman. Ikaw padin ang pinakamaganda sa kanila noh!"

"Che. Bff tayo eh! Kahit ako man sinasabi ko rin yan sayo" anito kaya natawa ako. "So Sinong chef yan?" tanong niya

"Si Hershey Flores. Yung may-ari ng pata hauz restaurant" sagot ko

"Hindi ko kilala pero sana naman may boyfriend na yun para ako nalang magustuhan ni Papa T. At kami naman ang ikasal!"

"Iwan ko sayo. Paiba iba talaga moods mo!" Napailing nalang ako.

"Well, ayaw mo bang sumaya ang bff mo? Kung mahal mo ko idudotdot mo ako sa kanya. Mamaya sa reception ha!" Sabay ngisi niya.

Napatawa nalang ako kay Katie.

Nakahanda na ako ng dumating ang make-up artist ko. Dumating din ang mga magfifilm ng wedding ko.

"Best friend ang ganda mo! Putik nakaka tomboy!" natatawang saad ni Katie.

"Loka ka talaga. Tita Charms pagandahin niyo yang best friend ko para maakit sa kanya ang bestman!" nakangisi kong sabi

"Ayy. Akong bahala dyan!" saad naman ni Tita Gari.

"Ay gusto ko yan, Tita!" anito

Pumasok na din ang mga bridesmaid yung dalawa pinsan ni Kiel si Shekinah at Michelle at yung dalawa naman sina Riza at Kath.

His Brat Wife (Completed)Where stories live. Discover now